MAHUSAY na laban ang ipinakita ng Mightiest Heroes ng Earth, ngunit tinapos na ni John Wick ang three-week box office na pamamayagpag ng Avengers: Endgame.

Keanu

Puno ng mga positibong review, inungusan ng John Wick: Chapter 3 – Parabellum ang inaasahang kita nito sa debut sa tabong $57 million mula sa 3,850 North American cinemas. Sapat na ito para angkinin ang korona mula sa Avengers: Endgame, ang pinakamalaking pelikula sa Marvel Cinematic Universe, na nakalikom ng $29.4 million sa ikaapat na linggo ng pagpapalabas nito.

Ang Parabellum ang ikatlong installment ng action franchise, na mas malaki ang kinita sa naunang dalawa, John Wick noong 2014 ($14.4 million) at John Wick: Chapter 2 noong 2017 ($30.4 million). Malaki rin ang kinita ng John Wick 3 sa overseas, na nahakot na $35 million mula 66 international markets para sa global start na $92 million.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa Parabellum, nagbabalik si Keanu Reeves bilang ang tinaguriang ex-hitman na tumatakas mula sa kanyang mga kaaway. Idinirek ni stuntman-turned-director Chad Stahelski ang pelikula, at isinulat naman ng series-creator na si Derek Kolstad. Kasama rin sa cast sina Halle Berry at Laurence Fisburne.

Ang Avengers: Endgame, na bumagsak na sa ikalawang puwesto sa domestic box office charts, ay nakalikom na ng $771 million sa North America. Opisyal na nitong naungusan ang Avatar at $761 million ang kinita nito, para maging second-highest grossing movie sa domestic box office, kasunod ng Star Wars: The Force Awakens na may nalikom na $937 million. Tumabo naman ang Avengers: Endgame ng $2.6 billion sa ticket sales sa buong mundo.

Ipinalabas ang John Wick 3 kasabay ang A Dog’s Journey ng Universal and Amblin at The Sun Is Also a Star ng Warner Bros. and MGM.

-Reuters