TORONTO (AP) — Nangailangan ang Raptors ng dagdag na 10 minuto para maungusan ang Milwaukee Bucks, 118-112, nitong Linggo (Lunes sa Manila) para matapyas ang bentahe sa 2-1 ng kanilang Eastern Conference best-of-seven Finals.

Nagsalansan si Kawhi Leonard sa naiskor na 36 puntos, tampok ang walo sa second overtime, kung saan nasamantala ng Raptors ang pagkawala ni Giannis Antetokounmpo na na-fouled out sa kaagahan ng second overtime.

Nag-ambag si Pascal Siakam ng 25 puntos at 11 rebounds, habang kumana si Norman Powell ng 19 puntos at tumipa si Marc Gasol ng 16 puntos at 12 rebounds. Target ng Raptors na maitabla ang serye sa pagpalo ng Game 4 sa Martes (Miyerkules sa Manila) sa Air Canada Center.

Nalimitahan si Antetokounmpo sa 12 puntos, ngunit halimaw sa nahugot na 23 rebounds bago napatalsik sa laro may 4:24 sa second overtime.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagawa ring maisalba ng Toronto ang laban sa kabila ng pagkawala ni star point guard Kyle Lowry sa fourth period ng regulation. Namintis ni Siakam ang dalawang free throw na nagpanalo na sana sa Raptors sa regulation.

Nakabawi si Siakam nang mabutata ang posibleng panabla na tira ni Brook Lopez na naging daan para sa layup ni Leonard para sa 114-110 bentahe ng Toronto may 30 segundo ang nalalabi sa second overtime.

“I’m feeling all right. This is playoff basketball,” pahayag ni Leonard. “Everybody’s hurting so I’ve just got to keep fighting.”

Nag-ambag si George Hill ng 24 puntos, habang tumipa si Malcolm Brogdon ng 20 puntos para sa Bucks, nabigo sa unang pagkakataon sa limang road game sa postseason.

Nalimitahan ni Khris Middleton sa siyam na puntos mula sa 3-for-16, ngunit ang tira niya sa huling 2.2 segundo sa regulation angnaging daan sa overtime.