ANG ganda ng post ni Danica Sotto-Pingris tungkol sa pagkapanalo ng kapatid niyang si Pasig City Mayor-elect Vico Sotto.

Vico, Paulina, Danica, at Oyo

“Wohooo!!! It’s official!!! I must admit that there were times when some of us felt worried and scared especially during the campaign period. Maraming nag-alala at nagdasal para sa ‘yo. Mabigat ang kalaban pero ‘di kayo sumuko. You have proven that FAITH should be BIGGER than our fears.

“I thank God for your heart to serve, I know that He will use you to transform this nation. Congratulations, Mayor Vico Sotto! We will always be here to support you! Love you!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagpaabot din ng pasasalamat si Danica sa ina ni Mayor Vico na si Coney Reyes sa maayos na pagpapalaki sa kanilang kapatid, gayundin sa mga kapatid ng alkalde sa beteranang aktres na sina Carla Mumar at LA Mumar, sa paggabay kay Vico.

“Congratulations also to Tita @ coneyreyes. Thank you for raising him well. There is really power in prayer. Congrats also to Ate @carlamumar, Kuya @lamumar and thank you for always guiding Vico.

And of course to our Daddy (Vic Sotto)!!! Congratulations and thank you for your never ending love and support. Thank you LORD!

“Congratulations Team Vico sa mga Ate at Kuya! Salamat! Sa mga nagdasal, tumulong at sumuporta, Maraming Salamat sa inyo!!!”

Sinagot din ni Danica ang tanong ng isang netizen kung close ba sina Vico at Oyo Sotto, dahil hindi raw nila nakita si Oyo sa kampanya ni Vico? “Nag-house to house si Oyo for Vico. Oyo has 4 kids and as of the moment no yaya pa sila.”

Sina Danica at Oyo ay anak ni Bossing Vic sa unang asawang si Dina Bonnevie.

Nabasa namin ang comment ni Coney sa post ni Danica: “Thank you for your love and support always, Danica! Glory to God!!!”

Nagpasalamat din si Coney sa mga sumuporta at bumoto kay Mayor Vico: “Sa lahat ng nagbigay ng tiwala, bumoto at nakiisa sa ating laban: Maraming Salamat! Narinig ng bayan ang ating tinig. Handa na ang Pasig para sa tunay at pangmatagalang pagbabago. –Mayor-elect Vico Sotto.”

-NITZ MIRALLES