SA gaganaping premiere night ng Sunshine Family sa Hunyo 4 ay umaasa ang supporters’ ng Blanc 7 na darating si Shinwoo na leading man ni Sue Ramirez sa pelikula.

Wala namang sagot pa ang taga- Springs Films na isa sa producer ng Sunshine Family kung darating ang Korean actor pero ang siguradong makadadalo sa premiere nighSue at joaot ay ang direktor na si Ki Tai Sik.

Katuwang ng Spring Films ang Film Line Pictures Productions LTD sa pagpo-produce ng pelikulang pinangungunahan nina Nonie Buencamino, Sue, Marco Masa, a t Shamaine Buencamino.

Ayon kay Sue, masarap katrabaho ang Koreans dahil hindi sila masyadong maiingay at masalita sa set kaya mabilis silang matapos.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Oo, hindi sila maingay tulad nating mga Pinoy. Sa kanila, walang tsismisan o daldalan bago mag-shoot. Sila (Koreans), dire-diretso ang work,” kuwento ng dalaga.

Anyway, ang karakter ni Shinwoo ay pulis na boyfriend ni Sue at nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya rito ang krimeng nagawa ng tatay niyang si Nonie.

“Kaya nga po tinatanong ko kung anong mangyayari. Kasi po sa Korea may death penalty, so ‘yun po ang pinakamalaking conflict sa utak ko. Kung sasabihin ko ba doon sa boyfriend ko na nakapatay

ang tatay ko. Ipit po ako sa sitwasyon. So whatever happens, I am with my family,” pahayag ng aktres.

Kung mangyari ito sa totoong buhay, “in real life hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, siguro I’ll cross the bridge when I get there,” saad ni Sue.

Hindi dumaan sa audition si Sue para sa karakter niya sa Sunshine Family dahil hand-picked siya ng direktor nilang si Kim Tai Sik dahil Korean ambassadress (2016) ang dalaga simula pa noong 2016 at ikatlong taon na niya ngayong 2019. Kaka-renew lang niya for another one year.

Ang mag-asawang Nonie at Shamaine ay si Binibining Joyce Bernal ang pumili bilang tunay silang mag-asawa at bagay daw ang role nila sa kanila.

Si Marco Masa bilang bunsong anak ay dumaan sa audition at sa rami ay siya ang napili.

Bi l ang amba s s adr e s s t o Korea ay libre ang pamasahe at accommodation ni Sue kapag may events sila at kapag inimbitahan siya, pero kung personal siyang pupunta roon ay sariling gastos niya.

Nakakapagbasa at nakakasulat si Sue ng Korean languages pero hindi naman daw niya masyadong naiintindihan.

At ang trabaho ng ambassadress ay, “imaging, promotes her social media at picture-picture po.

“Tatlong beses na po akong nakapunta sa Korea kasi nasa contract ko po ay once a year. Hindi ko pa po nalibot nang husto ang Korea, hindi pa po ako nakapag- Jeju (island).”

Ang experience niya sa Korean ay kumain nang kumain.

“Ang natatandaan ko po, hindi ako pumapayat doon kasi napakasarap na ng Korean food dito sa atin, pagdating ninyo ng Korea ibang level ‘yung sarap,” nakatawang sabi ng aktres.

Nakilala na raw ni Sue si ang grupong Blanc 7 at ang paborito niyang Korean star ay si Kim Soo Hyun. “’Yung bida po sa My Love from the Stars, kakalabas lang niya ng Army (military service) kaya baka ito na ‘yung chance (bumalik sa career).”

At kung ang iba ay tumitili sa Korean actors ay dedma naman si Sue dahil mas pipiliin niya pa rin si Joao Constancia, na miyembro ng Boyband PH.

Bagamat magkarelasyon ang dalawa ay hindi naman sila parating magkasama.

“’Pag trabaho po hindi ko siya (Joao) masyadong kailangan,” natawang sambit ng dalaga.

At kung may chanc e na ipapasyal niya si Joao sa Korea? “Dadalhin ko siya sa Busan kapag Cherry blossoms festival, papakain ko siya sa mga Zombie doon,” birong sabi ng aktres.

Ang paboritong kainin ni Sue ay ang Samgyupsal beef. “Sobrang lambot po kasi ng beef nila at ang juicy-juicy. At masarap din ‘yung Tteok-bokki, street food po ‘yun na spicy rice cake.”

M a p a p a n o o d n a a n g Sunshine Family sa Hunyo 5 mula sa Spring Films at Film Line Pictures Productions LTD na idinirek ni Kim Tai Sik.

-REGGEE BONOAN