PUNUMPUNO ng blessings ngayong taon ang aktor ng Los Bastardos na si Marco Gumabao. Dahil sa kanyang pagiging busy, aminado siyang bihira na siyang gumimik.

Marco copy

“Ang buhay ko ngayon is work, gym, bahay. Hindi na ako lumalabas masyado. Ipapahinga ko na lang. Pero minsan siyempre, ‘pag nakalibre, ganun. Kasi napagdaanan ko na rin siya.

“When I was younger, mahilig akong lumabas, not necessarily na laging umiinom. Basta gusto ko lagi nakakasama ‘yung mga kaibigan ko. So I think that phase of my life is done.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

“So ngayon focused na ako sa trabaho ko and ipo-focus ko ‘yung health ko muna. First of all, I need to be healthy for work and if may free time, sige lalabas ako. Pero if not, sa bahay na lang ako. Magpapahinga na lang ako. Trying to be medyo good boy,”sabi ni Marco.

Sa dami ng ating celebrities na nagpapatotoong dumadaan sila sa depression, Marco said he is actually lucky not to have experienced anything close to that.

“Honestly never pa. Hindi pa ako nakaka-experience ng depression. that’s why I don’t get it. But I respect people who have it. I’m thankful na walang kahit anong depression na thought na pumasok sa isip ko. Pero I also sympathize with people who are going through depression because it’s really hard. It’s a battle between you and yourself,” paliwanag ng aktor.

Nag-offer pa ng advice ang 24-year-old actor to those who are going through a difficult time in their lives right now.

“Basta ang message ko sa mga tao who are depressed or who are thinking about ending it, maraming tao ang nag-iisip niyan. Just go to God. Ako siguro ang nakatulong nang malaki sa pagkatao ko is going to church, reading the Bible or reading anything about God every day. ‘Yun ‘yung isa sa mga bagay na I try to live with it every day.

“If you feel sad, listen to praise and worship songs. Everyday ako nakikinig sa praise and worship songs. Parang I find myself at peace with it. Ang pinaka-favorite kong worship song is titled Breathe. So hinga. Pakinggan n’yo. It’s the best. You guys will find peace just with listening to the song,” pahayag pa ni Marco.

-ADOR V. SALUTA