TATLO sa local entertainment industry na interesting ang tinatakbo ng career sina Jason Paul Laxamana, Gerald Anderson at Julia Barretto, ang major players sa Between Maybes, na pinakabagong pelikula ng Black Sheep.

Gerald at Julia copy

Si Jason Paul ang isa sa mga pinaka-productive, kung hindi man pinakaraming output sa hanay ng young Filipino filmmakers. Sa bilang namin, nakaka-19 pelikula na siya sa sampung taon niya sa industriya. Naging successful ang transition niya galing indie papuntang mainstream. Pero bagamat gumagawa na nga ng pelikula sa lahat ng local big studios, napapanatili pa rin niya ang kanyang indie spirit.

Pang-18 pelikula naman ni Gerald ang Between Maybes at mas maraming nagawa sa TV sa 13 years nang pagtatrabaho sa showbiz. Paminsan-minsang pinagdududahan ang longevity ni Gerald, pero bagamat parang seesaw ang career, wala nang duda na magtatagal pa siya kung patuloy na magiging pasensiyoso sa buhay sa showbiz. Plus factor ang maayos niyang pag-aalaga kay Bea Alonzo, ang itinuturing na movie queen ng kasalukuyang henerasyon, na maraming nagmamahal.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Si Julia ang may kahanga-hangang survival instinct sa industriya. Sinubukang gawing star ng kanyang studio pero hindi iyon ang strength niya, na sinabayan pa ng muntik nang pagkadiskaril ng career dahil sa personal o pampamilyang mga desisyon. Nang mabigyan ng panibagong pagkakataon, ipinakita niya na marunong siyang umarte. Sa katunayan, hindi lang basta marunong kundi mahusay. Kumbinsido ang lahat, hindi siya star kundi actress. Napakahusay na actress.

Pinagsama-sama silang tatlo ng Black Sheep sa Between Maybes na kinunan s a Saga Prefecture sa Japan. Ang i n t e n s i y o n , makapagprodyus ng pelikulang magbibigay ng payapang isip sa mga manonood. Panggamot sa nararanasang a n x i e t y a t pangontra ss maingay at magulong mga usaping panlipunan. Kaya rin sinadya ng Black Sheep na ipalabas ito sa Miyerkules, Mayo 15, dalawang araw pagkatapos ng mid-term election.

Gaganap na fading star si Julia, problemado sa career at buhay na parang wala na siyang kontrol kaya biglang nagpa-book ng flight at napadpad sa secluded na lugar sa Japan.

Na-meet niya roon ang mapag-isang mangingisda na si Louie (Gerald), na lumayo naman sa masakit na pangyayari sa pamilya.

Hindi loveteam driven ang Between Maybes kundi character movie. Simulang ipabasa ang script, binantayan na ni Julia ang project para hindi na makawala pa sa kanya ang role bilang Hazel.

Mas mahusay si Jason Paul sa mga pelikulang humuhubog ng makulay na characters, tulad sa 100 Tula Para Kay Stella na maraming pinaiyak at tumabo ng halos P100M sa takilya.

Ayon kina Gerald at Julia, magkakaroon ng relasyon ang kanilang karakter at nang tanungin kung umabot ba ito sa intimate o physical na relasyon at kung ready na ba si Julia sa ganitong eksena, ang bitin na sagot niya: “Panoorin n’yo!”

May hawig ang tema ng Between Maybes sa St. Elmo’s Fire na kinabaliwan noon ng Generation X, tungkol sa bitter-sweet na panandaliang relasyon na nag-iiwan ng matatamis na alaala, kung hindi man malalim na pilat sa puso. Pero sa halip na santelmo, ang pamosong cherry blossoms ang ginamit na symbolism sa Between Maybes.

Bukod sa istoryang si Jason Paul din ang sumulat, tiyak na marami ring manonood ang maaakit sa location. Napakaganda ng rehistro ng Saga, Japan sa trailer ng pel ikula. Asahan nang ito ang sunod na dadayuhin ng mga kababayan nating nahihilig magbiyahe sa magagandang l u g a r n a natutuklasan sa mga pelikula

-DINDO M. BALARES