KASAMA ang GMA News and Public Affairs Digital Media team, sinugod ng “Big Papa” ng social media na si Dante Gulapa ang mga botante sa iba’t ibang lugar sa bansa, upang alamin ang kanilang kaalaman kaugnay ng eleksiyon sa Lunes.
Aliw na aliw ang netizens kay Dante, kaya naman umani ang nasabing Facebook video niya ng mahigit 1.3 million views, at nasa 3,000 na ang shares!
Kahit ang pangalawang video tungkol sa do’s and don’ts sa darating na eleksiyon ay hit na hit din sa netizens! Paano ba naman, ginawang mas kaaliw-aliw ni Dante ang mga ito gamit ang kanyang signature Eagle dance moves.
Sa huling silip namin, may lagpas one million views na ito, habang 5,000 na ang shares.
Ang nasabing videos ni Dante ay bahagi ng information campaign ng GMA News and Public Affairs para sa Eleksyon 2019.
Sa isang banda naman, handa na ang Kapuso Network na “#PusuanAngTotoo” sa halalan sa Lunes.
Expect na natin na pabonggahan ang coverage ng bawat TV station sa Lunes, para sa eleksiyon. Constant winner naman pagdating sa special news coverages ang GMA-7, na talaga namang nakaugalian nang tutukan ng publiko kapag usaping current events.
Mula pa lang sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga nais tumakbo hanggang sa pangangampanya ay nakatutok ang GMA News. Kaya naman siguradong ang coverage nila ng Eleksyon 2019 ang pinakalamalawak at pinakomprehensibo, katuwang ang mga batikang news personalities na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez, Vicky Morales, Arnold Clavio, Howie Severino, at Jessica Soho!
-Mercy Lejarde