April 10, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Lie Reposposa, naglabas ng sama ng loob: 'Hirap tulungan ng ungrateful parents!'

Lie Reposposa, naglabas ng sama ng loob: 'Hirap tulungan ng ungrateful parents!'
Photo courtesy: Angelie Reposposa (FB)

Naglabas ng matinding hinanakit sa social media ang dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Lie Reposposa tungkol sa hirap na nararanasan niya bilang breadwinner ng kanilang pamilya.

Sa isang rant post sa Facebook, ibinahagi ni Reposposa ang kaniyang pagod at pagkadismaya sa patuloy na pagsuporta sa pamilya habang pakiramdam niya ay siya lamang ang lumalaban upang makaahon sa buhay.

“Gusto kong umahon sa buhay pero parang ako lang ang lumalaban. Breadwinner daw, pero kailan ba naging winner ang breadwinner? Parang lagi na lang talunan,” ani Reposposa sa kanyang post.

Ibinahagi rin niya ang bigat ng responsibilidad na kaniyang dinadala, lalo na kapag hindi niya nararamdaman ang pagpapahalaga mula sa mga taong kaniyang tinutulungan.

“Pagod na pagod na akong tumulong sa mga taong hindi man lang marunong mag-appreciate, pero ang hirap kapag pamilya mo,” dagdag pa niya.

Tsika at Intriga

Sey mo Dominic? Selfie nina Rico, Sue minalisya!

Sa huling bahagi ng kaniyang pahayag na nasa comment section ng kaniyang post, tahasan niyang inilahad ang kaniyang pagkadismaya sa sitwasyon sa kanilang pamilya, lalo na sa kaniyang mga magulang na tinawag niyang "ungrateful."

“Hirap tulungan ng ungrateful parents,” saad niya.

Photo courtesy: Screenshot from Angelie Reposposa/FB

Agad namang umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. May ilan na nagpahayag ng suporta kay Reposposa at nakarelate sa kaniyang karanasan bilang breadwinner, habang may ilan ding nagpayo na pag-usapan at ayusin ang mga isyu sa loob ng pamilya.

"Don't make it public kung parents mo kinakasamaan mo ng loob. Magtira ka pa rin sa sarili mo sa future mo. Importante NATULUNGAN mo sila, huwag mo ibuhos lahat dahil may sarili ka rin buhay," payo sa kaniya ng isang netizen.

Sagot naman niya, "wala eh napuno na ako diko na din sila kaya."

Sa kasalukuyan, wala pang karagdagang pahayag si Reposposa kaugnay sa kanyang naging rant post.