Si Cardo Dalisay nasa Netflix na!

CARDO

Mapapanood na sa Netflix ang top-rating teleserye na gabi-gabing tinututukan ng mga Pinoy sa nakalipas na apat na taon—ang “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Inihayag ni ABS-CBN AdProm Head Eric Salut sa Twitter ang nasabing balita ngayong Biyernes, kasabay ng pagbati sa bida ng serye na si Coco Martin.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Nasa @netflix na po ang Pambansang Teleserye ANG PROBINSYANO with an international title BROTHERS! Congrats, Coco Martin, @ABSCBN and @DreamscapePH,” tweet ni Eric kaninang umaga.

Pinamagatang “Brothers” ang serye sa Netflix, at may 50 episodes ang Season 1 nito.

Jet Navarro-Hitosis