“A lady with a big heart. And a mother to all.” Ganito siya madalas ilarawan ng mga nakakakilala sa kanya.
Isa siyang mabuting anak, mapagmahal na asawa at ina, maasahang kapatid, mentor, kaibigan at public servant. Siya si Manay Gina De Venecia — a motherhood personified.
Lumaki si Manay Gina na may masaganang buhay at masayang pamilya.
“My parents gave me so much love, and my brothers and sisters, too. That is the secret to the stability of a person — love your children with all your heart while they are little, so even if you toss them into the ocean, they will still be whole,” aniya.
Sa anim na magkakapatid, tanging si Manay Gina lang ang nalinya sa public service, na kanyang sinimulan noong 1992. Ayon sa kanya, parang nasa dugo na niya ang pagiging public servant. Kaya hindi na rin maiaalis sa kanya ang pagiging likas na matulungin at mapagbigay sa kapwa.
Lalo pang naging makulay ang kanyang buhay nang dumating sa kanya ang asawang si five-time Speaker of the House, Joe de Venecia.
“Life with Joe has been an adventure with many shining moments and a few scattered moments of uncertainty. It is a life full of valuable lessons learned, a life defined by character-building experiences, and one I will choose to live all over again with him. For Joe is my one true treasure in life.”
At maliban sa kanyang mga tunay na anak, itinuturing din siyang tunay na ina ng maraming tao. Mapa-bata, matanda, mayaman man o mahirap, lahat sila kinikilala si Manay Gina bilang mapag-arugang ina.
Nag-umpisa ang kanyang journey bilang ina ng marami noong siya’y nasa Kongreso pa at naging presidente at chairwoman ng Congressional Spouses Foundation, Inc. (CSFI).
Sinamantala niya ang posisyong ipinagkatiwala sa kanya, dahil dito, iba-ibang charitable institutions ang kanyang itinayo. Nandyan ang he Haven for Women, na may 15 regional centers na naglalayong tulungan ang mga inaabusong kababaihan. Ang The Haven for the Elderly, institusyon para sa mga inabandonang mga senior citizens. At ang The Haven for Children na may apat na regional centers na tumutulong sa mga street children.
Noong 2004, isang trahedya ang dumagok sa masayang pamilya ni Manay Gina. Isang pangyayari sa buhay na kahit na sinong ina ay hindi na gugustuhing maalala pang muli. Labis-labis ang kanyang lungkot at pighati nang mawala sa kanya ang bunsong anak.
Naging mahirap man ang sitwasyon para kay Manay Gina, hindi ito naging hadlang para makalimutan ang nasimulang misyon sa buhay. Bagkus ay ipinagpatuloy niya ito at naging daan pa upang iluwal niya ang isang institusyong para sa mga katulad niyang binawian ng anak.
Ito ang INA (Inang Naulila sa Anak) Healing Center. Layunin nitong magbigay ng psycho-social support sa mga inang namatayan ng anak. Ang INA Healing Center ay nagbukas para sa mga nagdadalamhating mga ina noong Disyembre 16, 2006, dalawang taon matapos ang trahedya sa buhay ni Manay Gina.
Ang hirap na kanyang pinagdaanan bilang ina ang nagbigay pa lalo sa kanya ng lakas at dahilan upang paglingkuran ang kanyang mga kababayan. Alam ni Manay Gina na hindi lamang ang INA Foundation ang may kailangan sa kanya, kung hindi maging ang milyun-milyong ng ina sa buong bansa.
Kaya naman sa kagustuhang maisakatuparan ang kanyang mga adhikain para sa lahat ng ina at tumatayong ina, napagpasyahan ni Manay Gina na itatag ang isang national political movement na kinikilala bilang Inang Mahal Party-list— upang lubos niyang matulungan at mapaglingkuran ang mga ilaw ng tahanan.
Ang Inang Mahal Party-list ay may misyong isulong ang lahat ng adhikaing magpapaangat sa estado ng lahat ng nanay sa Pilipinas. Partikular na ang pagbibigay ng kabuhayan at scholarships, pagtatayo ng mga women shelters, paglalagay ng Communication and Guidance Center sa DSWD office ng bawat bayan, at ang pagbawas ng buwis sa mga kumpanyang tumatanggap ng mga empleyadong nasa 45-65 taong gulang.
Ngayon, ang ina ng marami ay handa nang maging ina ng buong bansa.