MAKARAANG lumasap ng magkasunod na pagkatalo sa knockouts sa Mexico at United States, muling kakasa si dating world rated Glenn Porras laban kay WBA No. 7-rated featherweight contender Hairon Socarras ng Cuba sa Sabado sa Hard Rock Event Center sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida sa United States.

Natalo si Porras via 2nd round knockout kay WBO super bantamweight champion Emanuel Navarrette at boksingero ng Golden Boy Promotions na si Angelo Lao via 1st round kaya tatangkain niyang makaiskor ng panalo laban sa walang talong si Soccaras para makabalik sa bigtime boxing.

May rekord si Porras na 32 panalo, walong talo na may 20 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Socarras na may 21-0-3 na may 13 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL