SA edad na siyam, nakararanas na agad si Jonas (‘di tunay na pangalan) ng myopia o nearsightedness, isang kondisyon na namamana ngunit maaari nang ma-develop dahil sa labis na paggamit ng computer at gadgets.

MYOPIA

"Kasi hindi namin mapigilan siya lalo na kapag tapos na ang klase and weekends, we notice him play games in his cell phone, close to his eyes. I thought he might need eyeglasses already," pahayag ng ina ni Jonas sa Philippine News Agency (PNA).

Dagdag ng ginang, pinatingnan na niya ang anak sa ophthalmologist nang i-report sa kanya ng class adviser ni Jonas na hindi ito laging natatapos sa pagkopya ng notes mula sa pisara sa oras.

FPRRD, may agam-agam umano sa Halalan 2025 ayon kay VP Sara

STATISTICS

Sa Department of Information and Communications Technology’s National Digital Parenting Conference na ginanap noong 2018, ipinahayag ni ophthalmologist Dr. Alexander L. Gonzales II ng Ospital ng Makati, na ang natuklasan sa pag-aaral na 29 porsyento ng mga batang Pilipino ang mayroong myopia habang 5 percent lamang ng mga Amerikanong bata ang dumaranas nito.

Lahad pa ni Gonzales, 90 percent ng mga online gamers ay may myopia.

"Someone who has myopia see nearby objects clearly, and far objects blurred. Why? His or her eyes cannot bend light properly and therefore light is focused in front of his retina," aniya.

DIGITAL AGE

Sa digital age naging madali ang dating mahirap na gawin para sa mamamayan, ngunit sinabi rin ni Dr. Maria Fe Marquez, optometrist sa Eye World, na nagdulot ito ng maraming sakit sa mata na mas nakaapekto sa mga bata.

"Ang paggamit ng gadgets ay talagang nakaka-trigger ng pagkalabo ng mata. Dito na lang sa aming clinic eh, dumami ang mga batang patients na malabo ang mga mata, mga elementary at high school students, hindi kagaya dati na madalas, eh matatanda na talaga ang nagpapa-adjust ng grado ng salamin,” sabi niya.

Aniya, ang radiation o blue light na nilalabas ng mga gadget at iba pang electronics gaya ng cell phones, computers at televisions ay nagdudulot ng malalang sakit sa mata.

"Sa ngayon, hindi natin mapapansin agad pero in due time makikita na ang lumalalang effect nito sa mga mata habang tumatanda ang isang tao,” ani Marquez.

Sa ginanap na forum kamakailan sa Makati City, binigyang-diin ni Dr. Jamid Jan bin Jan Mohamed, chairman ng Nutrition & Diabetics Program sa University Sains Malaysia, na ang labis na paggamit ng gadgets ay nauuwi sa pagtanda o paglabo ng mata, nang maaga.

"Too much use of gadgets causes exposure to radiation, it gives you eye strain, neck and shoulder strain, and headache as well," sabi niya.

In connection with this, ipinaliwanag ni Marquez na ang malabong paningin at pagtanda ng mata ay kadalasang nagsisimula sa tuyo o nanunuyong mata.

"Kapag lagi nakatutok sa gadget, bihira nang pumikit ang mga mata, nagkakaroon din ng dry eyes. Sintomas niyan ang mga mata makati, nanunuyo at naluluha. At kapag sobrang tuyo ang mata nagkakaroon na rin ng blurred vision," aniya pa.

EYEGLASSES, SUPPLEMENTS

Bagamat nakatutulong ang paggamit ng multi-coated eyeglasses upang maprotektahan ang mga mata sa radiation, sinabi ni Marquez na mas mainam kung babawasan ang paggamit  ng gadget upang maiwasan ang mga problema sa paningin.

“Alam mo, tama na ang isang oras sa isang araw na paggamit ng gadgets sa mga bata talaga,” aniya.

“If we can't keep ourselves from using gadgets for long hours, you need to have another nutrient called lutein filter high energy from light, it protects and maintains healthy cells in the eyes. Supplements can help prevent blurred vision,” sabi pa niya.

PNA