WALANG pagbabago kung pagbabatayan ang lakas ng pundasyon ng Petron sa paglarga ng Philippine Superliga All-Filipino Conference sa susunod na buwan.

MASAYANG humarap sa media ang mga miyembro ng Marinerang Pilipina team, kasama si PSL president Dr. Ian Laurel, at ilang miyembro ng Grand Prix champion Petron.

MASAYANG humarap sa media ang mga miyembro ng Marinerang Pilipina team, kasama si PSL president Dr. Ian Laurel, at ilang miyembro ng Grand Prix champion Petron.

Iginiit ni coach Shaq Delos Santos na mananatiling malakas ang bench ng Petron sa kabila ng pagkawala ng mga beteranang sina

Stephanie Niemer, Katherine Bell, at Princess Gaiser.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Sina Niemer at Bell ay bahagi ng matagumpay na pagdepensa ng Blaze Spikers’ sa Grand Prix title kamakailan.

Tinanghal na most explosive imports si Niemer na naging Most Valuable Player, habang si Bell ang Best Outside Spiker.

Nais naman ni Gaiser na mag-concentrate sa kanyang pag-aaral bilang isang manggagamot.

Papalitan sila nina Far Eastern University libero Buding Duremdes at open spiker Chin Basas at University of Santo Tomas ace Sisi Rondina.

Bahagi pa ang tatlo sa playoffs ng 81st University Athletic Association of the Philippines women’s volleyball tournament.

“Actually, we already have a list of players to add. These players are just ‘simple’ players,” pahayag ni Delos Santos sa kanilang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes sa Amelie Hotel-Manila.

“Sisi Rondina. Buding Duremdes and Chin Basas are already on our list. We will activate them in the All-Filipino,” aniya.

Nagbigay din ng kanilang mensahe sa forum na itinataguyod ng San Miguel Corp., Tapa King, Amelie Hotel, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga miyembro ng Marinerang Pilipina, ang pinakabagong koponan sa liga.

Ayon kay Marinerang Pilipina team manager Jed Montero, nasa proseso pa ang koponan na mabuo ang isang malakas na squad. Sa ksalukuyan nasa tropa na sina Ivy Remulla at Ers Iratay, gayundin sina Cesca Racraquin, Seth Rodriguez, at Chiara Permentilla.

Si dating PSL champion coach Villet Ponce-de Leon ang tatayong head coach kasama si Ronald Dulay bilang deputy.

“Our lineup is not yet complete because of the ongoing UAAP,” sambit ni Montero.

“But rest assured that we will put up a competitive team. Our coaches are doing their best to come up with the best talents who are capable of beating other PSL teams.”