NOMINADO ang Filipino-American theater actress na si Eva Noblezada bilang Best Lead Actress sa 2019 Tony Awards para sa kanyang pagganap bilang Eurydice sa Hadestown, ang musical tungkol sa sinaunang Greek myth ng paglalakbay ni Orpheus sa underworld.

Eva

Ito na ang ikalawang Tony nomination ni Eva. Noong 2017, nominado rin siya sa pagganap niya bilang Kim, isang dalagang Vietnamese bar girl na na-in love sa isang sundalong Amerika, sa Miss Saigon.

Sa 73rd installment ng prestihiyosong award-giving body, makakalaban ni Eva sina Stephanie J. Block (The Cher Show), Caitlin Kinnunen (The Prom), Beth Leavel (The Prom), at Kelli O’Hara (Kiss Me, Kate) sa best lead actress in a musical category.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Isa si Eva sa tatlong Fil-Am na nominado sa Tony Awards ngayong taon. Ang dalawa pa ay si Robert Brill, para sa kanyang set designs sa Ain’t Too Proud: The Life and Times Of The Temptations, at ang costume designer na si Clint Ramos, para sa Torch Song.

A n g a w a r d i n g ceremonies ay sa Hunyo 10, sa Radio City Music Hall sa New York City.

-REGINA MAE PARUNGAO