NAGPASALAMAT si Edu Manzano sa mga nag-aalala at patuloy na sumusuporta sa kanya matapos na kanselahin ng Commission on Elections (Comelec) ang kanyang kandidatura para maging congressman ng San Juan City.

Sa social media account ng aktor, kasunod ng nasabing desisyon ng Comelec 2nd Division, may nagkomento ng, “Paktay, ba’t na-disqualify?”

Maikli ang sagot ni Edu: “Not disqualified bro. Filing our MR (motion for reconsideration).”

Kasunod nito, dumagsa ang nagpaabot ng mensahe ng suporta kay Edu.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

“Thank you for the support. Don’t worry about the rest. Ako na ang bahala,” sagot naman ni Edu sa kanila.

Nabalita kasing kinansela ng Comelec ang Certificate of Candidacy (CoC) ng aktor dahil sa kanyang US citizenship. Marami naman ang nagulat sa isyu dahil bakit ngayon lang nalaman ang tungkol sa citizenship ni Edu, eh kumandidato at nagsilbi pa siya noon sa Makati City bilang vice mayor.

Natuwa naman ang supporters ni Edu, na tuloy pa rin ang suporta sa kandidatura ng aktor, sa ilalim ng Team One San Juan. Pinayuhan nila si Edu to take care of the legalities sa kasong hinaharap niya ngayon, at bahala na raw ang kanyang supporters pagdating sa eleksiyon sa Lunes.

-NITZ MIRALLES