CONGRATS sa lead star ng teleseryeng Sahaya na si Bianca Umali, dahil siya ang nagkamit ng German Moreno Memorial Youth Achievement Award sa 7th Edition ng FAMAS last Sunday.

Bianca copy

Bukod sa nasabing bagong achievement ni Bianca, sinabi niyang may pasabog na malaking pagbabago sa buhay ni Sahaya, na as of this writing ay marami nang televiewers ang nag-aabang.

Ibinalita ni Bianca sa kanyang social media followers na maraming pasabog ang mangyayari sa epic-drama series na Sahaya. Kuwento ng Kapuso actress, dapat tutukan ang mga susunod na episodes, dahil may malaking twist na magaganap sa kanyang character.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Sana po abangan ng viewers kung paano magbabago si Sahaya. Kung gaano ka-drastic ang change na mangyayari sa kanya. Actually, this is my first show at character na may ganito kadaming layers,” sabi ni Bianca.

“Kami ni Direk Zig (Dulay), binabantayan namin ang lahat ng eksena kasi inaalagaan namin ‘yung character ni Sahaya. Sabi po ni Direk, gusto niyang makita kung ano ‘yung kayang gawin ni Bianca as Sahaya.”

O, siya, abangan na lang natin kung paano magbabago ang buhay ni Sahaya, gabi-gabi pagkatapos ng Kara Mia, sa GMA Telebabad.

-Mercy Lejarde