Malubha ang lagay ng isang konsehal at apat na iba pa matapos pagbabarilin ang kanilang convoy sa Balaoan, La Union, nitong Biyernes ng gabi.

Sa report ng Balaoan Municipal Police Station, tanging si Balaoan Councilor Rogelio Concepcion pa lamang ang nakikilala sa limang biktima.

Sa paunang imbestigasyon ng Balaoan Municipal Police Station (BMPS), ang pananambang ay naganap sa Nagsabaran Norte, dakong 8:10 ng gabi.

Naiulat na habang binabagtas ng convoy ng mga biktima ang barangay road sa Nagsabaran Norte ay bigla na lamang silang pinagbabaril ng grupo ng mga suspek.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa limang nasugatan, tanging si Concepcion lamang ang huling naiulat na nasa kritikal na kondisyon dahil sa tama ng bala sa ulo.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Fer Taboy