TULOY ang pamamayagpag ng Community Basketball Association (CBA). At para mas mapalawak ang partisipasyon ng kabataan, ipinahayag ni CBA executive Robert dela Rosa ang paglulunsad ng 18-under basketball touirnament sa Mayo 20.

CBA tournament director Robert de la Rosa

CBA tournament director Robert de la Rosa

“As part of the CBA’s grassroots development program envisioned by actor-director Carlo Maceda, we’re now introducing this tournament for players born 2001 and above,” pahayag ni De la Rosa sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

Ayon kay De la Rosa, anak ni PBA legend Bert de la Rosa, hahatiin ang 16 teams sa dalawang grupo -- North at South.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Iginiit ni Dela Rosa na magsasagawa ng final team coaches and meeting. Ngunit inaasahan na niyang aabot sa 16 koponan ang makikibahagi , kabilang na ang mga kasalukuyang koponan sa CBA Founders’ Cup.

“Ang totoo niyan, baka mas madami pa ang kasali,” pahayag ni De la Rosa sa lingguhang forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), National Press Club (NPC), Philippine Amusements and Gaming Corp. (PAGCOR), CBA at HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde.

Sa kasalukuyan, nagparamdam na para sa paglahok ang Founders Cup team San Juan, Bulacan, Caloocan, Valenzuela, Malabon, San Mateo, Novo Ecijano at Quezon City sa North; gayundin ang General Trias, Manila, Parañaque, Binangonan, Marikina, Pasigueño, Rizaba at Rizal in the South.

“We’re wrapping up the eliminations for the CBA Founders Cup. We’ll be in the semis soon. The CBA18-under tournament will be next in our busy calendar,” pahayag ni De la Rosa, bahagi rin ng coaching staff ng Columbian Dyip sa PBA.

“The CBA will be the best chance for these players. Ito ang kanilang pagkakataon na ipakita ang kanilang galing sa basketball at mabigyan ng mas magandang pagkakataon sa buhay,” pahayag ni De la Rosa.

Kasama ni Dela Rosa na nakiisa sa programa sina three-time Southeast Asian Games champion Gretchen Malalad ng Philippine Karate-do Federation at coach Reiner de Leon, gayundin sina motocross champions Pia Gabriel at kapatid na Ompong at Ahedres Pilipinas organizers Marc Christian Nazario at Christian Anthony Flores.

Napapanood ang TOPS ”Usapang Sports” sa Facebook live via Glitter Livestream.