Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.g. -- San Miguel vs Magnolia

TIYAK ang pagsiklab ng labanang naglalagablab sa simula ng duwelo ng San Miguel Beer at Magnolia sa Game 1 ng best-of-seven 2019 PBA Philippine Cup Finals ngayon sa Araneta Coliseum.

Bagama’t magkapatid na koponan sa ilalim ng San Miguel Corporation, sigurado ang dikdikang labanan ganap na 7:00 ng gabi.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Ang reigning 4-time champion Beermen ang itinuturing na sukatan sa liga kung saan target ang ikalimang sunod na All-Filipino conference title.

Tangan naman ng Pambansang Manok ang Governors Cup championship.

Liyamado ang Beermen na nagtataglay ng pinaka solidong roster partikular ang kanilang starters na nadagdagan pa ng lakas sa pagkakakuha kina Terrence Romeo at Christian Standhardinger.

N g u n i t , h i n d i b a s t a magpapaubaya ang Hotshots bilang challenger na hindi na rin puwedeng balewalain ang line-up kumpara sa dating Magnolia na nakatunggali nila sa mga nakaraang duwelo sa finals.

“Nag-mature na kami. We’ve gained a lot of experience especially with the championship we won last conference. Malaking bagay iyon, yung experience at maturity na tangan na ngayon ng grupong ito,” ayon kay Magnolia coach Chito Victolero sa pre-finals press conference nitong Lunes sa Eastwood City.

“Isa lang ang bago sa team namin, si Mike Calisaan. The core group yun pa rin, so magandang chemistry na ang nabuo namin. Malaking bagay iyon,” aniya.

Hindi naman ipinagwawalang-bahala ng Beermen ang mga pinagdaanan ng Hotshots upang umabot ng finals.

“Mabigat ang kanilang mga pinagdaanan na nagbigay sa kanila ng experience at maturity. And I believe they would be very competitive,” ayon kay SMB coach Leo Austria.

“We have that great passion for winning,” aniya.

-Marivic Awitan