Heads up sa mga Facebook stalker d’yan! May bagong feature na para sa ‘yo, kaya tiyak na pupusuan mo.

CRUSH

Matagal ka na bang stalker ng crush mo? Umaasa ka bang mapapansin ka niya sa pag-like o heart mo sa mga posts niya?

Ngayon ay may pagkakataon ka nang malaman kung crush ka rin ng secret crush mo sa pamamagitan ng bagong dating feature ng Facebook, ang Secret Crush.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Ang Secret Crush ay bagong dating feature sa Facebook, pero limitado pa lang ang mga bansang makakagamit nito, kabilang ang Colombia, Canada, Thailand, Argentina, at Mexico, at 14 pang bansa sa Asia kasama ang Pilipinas.

Kung pamilyar ka sa Tinder, may pagkakahawig ito sa Secret Crush pero sa halip na mag-swipe ka ng mga taong hindi mo kilala na baka magma-match sa ‘yo, makakapili ka ng hanggang sa siyam na kaibigang kilala mo sa Facebook na ilalagay sa iyong Secret Crush list, at maaari mo silang piliin kahit hindi sila gumagamit nito.

Kung ayaw mo namang malaman ng crush mo na crush mo nga siya, sinisiguro ng bagong feature ng Facebook na hindi malalaman ng pinili mo kung sino ka hanggang hindi ka rin niya pinipili. Makakatanggap ng notification ang pinili mo at kapag inilagay ka rin niya sa kanyang Secret Crush list ay pareho kayong mano-notify at magma-match. Yay! Sino ba naman ang ayaw malaman kung crush din siya ng crush niya?

Magsasagot ka ng mga tanong upang mabuo ang iyong dating profile at para makita mo kung compatible kayo ng crush mo. Sinabi ng Facebook na hindi nila gagamitin ang impormasyong inilagay mo, para maging advertisement at mananatili lamang ito sa loob ng Facebook dating app.

Hindi pa available ang feature na ito sa ngayon, pero kapag puwede na itong gamitin, madali lang itong makikita sa bookmarks tab, sa may tatlong vertical lines na icon sa upper right na bahagi ng iyong Facebook app, doon ka gagawa ng iyong profile.

May sarili ring messenger/inbox ang Secret Crush, at kapag walang dating profile ang Facebook friend mo, hindi niya makikita ang dating profile mo.

Tulad ng ibang dating apps, ang feature na ito ay pupuwede lang sa mga edad 18 pataas.

-Angelli Catan