PINATAOB ng Novo Ecijano at Malabon ang kani-kanilang karibal, habang nakaalpas ang Rizaba sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Community Basketball Association (CBA) Pilipinas Founders Cup nitong Sabado sa Thoa Wild Center Gymnasium sa Valenzuela nitong Sabado.
Ginapi ng Defenders ang Quezon City Capitals, 94-78, habang dinurog ng Squad ang host Valenzuela Express, 84-68.
Naungusan naman ng Raptors ang Rizal Chief, 88-83.
Nanguna si Mitch Lodia na may 26 puntos mula sa 12-of-17 shooting, siyam na rebounds, tatlong assists, limang teals, at apat na blocks sa Raptors.
Nag-ambag si Alvin Se ng 14 puntos.
Hataw si Dennis Santos ng 31 puntos, 16 rebounds, dalawang assists, isang steal, at isang block para sa Chief.
Kumasa ng todo ang Novo Ecijano sa finalperiod para makabawi sa malamyang simula.
Kumikig si Jayve Ferreria na may 18 puntos mula sa 9-of-14 shooting, pitong rebounds, apat na assists, at isang steal para sa Defenders.
Sa main game, nagwagi ang Malabon sa Valenzuela sa road game.
Ratsada si Jonel Parungao sa naiskor na 22 puntos, habang tumipa si Richard Albo ng 18 puntos, tatlong rebounds, tatlong assists, isang steal at isang block para sa Squad.
Iskor:
(First Game)
Rizaba (88(-Lodia 26, Se 14, Villanueva 11, Barrera 11, Ponciano 8, Arellano 8, Indino 5, Danao 5, Angeles 0, Tungala 0, Pelipe 0, Razon 0, Tenorio 0
Rizal (83)-Santos 31, Ilac 15, Rivera 12, Lucas 9, Mag-isa 8, Lucas 4, Evangelista 3, Brojan 1, Bultron 0
Quarterscores: 25-13, 38-34, 63-54, 88-83
(Ikalawang Laro)
Novo Ecijano (94) --Ferreria 18, Reyes 17, Corpuz 12, De Guzman 11, Tolentino 8, Sembrano 6, Jomento 6, Baldeh 6, Pedrosa 5, Cabigao 3, Poblete 2, Lucas 0, Jejilos 0, Cudal 0
Quezon City (78)-Alday 16, Tayongtong 15, Derige 15, Medina 14, Barua 12, Bellosillo 4, Morillo 2, Santiago 0, Macaraig 0
Quarterscores: 14-22, 38-34, 65-51, 94-78
(Ikatlong Laro)
Malabon (84)-Parungao 22, Albo 18, Joves 10, Pagayunan 9, Castro 6, Aquino 5, Dela Cruz 5, Bruno 3, Atabay 2, Angeles 2, Ingles 2, Natividad 0, Gallardo 0
Valenzuela (68)-Ruaya 16, Rivera 13, Gimpayan 9, Kalaw 8, Martinez 5, Ortega 5, Diego 4, Lacamento 4, Dela Cruz 3, Bernardo 1, Ch. De Chavez 0, Pastrana 0
Quarterscores: 24-16, 48-35, 65-51, 84-68