MAGKAKAROON ng negosasyon sa pagitan nina Kris Aquino at Nicko Falcis para subukang ayusin ang mga isyu nila sa isa’t isa, na nauwi sa demandahan.

Nicko at Kris

Base ito sa recent Instagram posts ng dalawang kampo.

Nitong Biyernes, April 26, nagkaroon ng palitan ng komento sina Kris at si Nicko, ang dating business partner at former managing director ng digital company ni Kris, ang Kris C. Aquino Productions (KCAP).

Rhian Ramos nagpatakam ng choco cookies habang nakabikini

Nagsimula ito sa pagpo-post ni Kris tungkol sa pagbasura ng Quezon City Prosecutor’s Office sa reklamong two counts of grave threats na isinampa ni Nicko at ng kapatid nitong si Atty. Jesus Falcis laban sa web star.

Sa comments section, nagsabi si Kris kay Nicko na mag-usap sila tungkol sa kanilang mga legal issues.

“So I am making this offer, we can meet at a neutral location with your lawyers & mine. We can talk like civilized individuals- let’s not involve our siblings. And who knows, maybe God wants peace for us all,” sabi ni Kris.

Hindi direktang sinagot ni Nicko kung tinatanggap niya ang offer, pero base sa Instagram post ng kanyang nakababatang kapatid, si Atty. Jesus, malinaw na bukas ang kampo ni Nicko sa proposisyon ni Kris.

Pero, babala ni Jess, na nagsisilbi ring spokesperson ni Nicko, magiging mapagmatyag siya sa magaganap na negosasyon.

Post ni Jess nitong Biyernes: “As a supporting actor in my brother’s involuntary drama, I will give a chance for peace and quiet. But I am watching. If the negotiation is unfair like before… I hope not. For everyone’s peace of mind.”

Hindi na nag-elaborate pa si Jess tungkol sa “unfair negotiation” umano nila dati ni Kris.

Pero sa isang presscon ni Jess noong Nobyembre 2018, ikinuwento niya ang mga demands ni Kris nang magkaroon sila ng meeting noong October 2018, kabilang ang aniya’y pagsipot ng ina nila ni Nicko (na hindi pinayagan ng ginang), ang pagbabawal kay Jess mag-post sa social media ng anumang laban kay Kris (hindi pumayag si Jess), at ang pagpirma agad ni Nicko sa agreement na ihinain ni Kris kahit hindi pa nare-review nina Jess (hindi pumayag ang pamilya Falcis).

Sa Instagram post naman ni Nicko kahapon, April 26, sinabi niyang patuloy na nagdarasal ang kanyang pamilya para sa kapayapaan at hustisya.

“Our family continues to pray for peace and justice. We both told our truths as the cases get dismissed one after the other since we both want to protect our families,” sabi ni Nicko.

May kalakip ding quote ang nasabing post ni Nicko: “Never be bullied into silence. Never allow yourself to be made a victim. Accept no one’s definition of your life; define yourself.—Robert Frost”

Sa post naman ni Kris ng madaling araw nitong Sabado, hinimok niya si Nicko na hayaan ang kani-kanilang legal counsel na mag-usap “in a FAIR and AMICABLE manner…”

Bungad ni Kris sa post niya: “Dean Divina said that Atty Bernas and he share a mutual respect.”

Ang legal counsel ni Kris ay si Dean Nilo Divina ng Divina Law, habang ang abogado ni Nicko ay si Attorney Bernard Bernas.

Dagdag pang mensahe ni Kris kay Nicko: “If you are sincere in your desire for peace, let them be the ones to settle this in a FAIR and AMICABLE manner. You and I should have enough humility to realize that it’s time to exercise WISDOM, and humbly acknowledge that raw emotions from wounds that are only now healing will still be capable of clouding what must be pragmatic judgment.

“We can choose from the lines of 2 Culture Club songs: ‘war, war is stupid’ or ‘karma, karma chameleon’.”

January 10, 2019, pormal na sinampahan ng reklamong two counts of grave threats ng Falcis brothers si Kris dahil sa pagbabanta ni Kris kay Nicko sa phone conversation nila noong September 2018.

Ibinasura ito ng Quezon City Prosecutor’s Office nitong April 1.

Sinampahan naman ni Kris si Jess ng nine counts of cyber libel sa Department of Justice noong November 2018, dahil sa mapanirang social media posts ng abogado laban kay Kris.

November 2018 nang sampahan ng 44 counts of qualified theft sa Department of Justice ni Kris si Nicko sa pitong siyudad sa Metro Manila: Makati City, San Juan City, Mandaluyong, Pasig, Taguig, Manila, at Quezon City.

Inakusahan ni Kris si Nicko ng paggamit ng credit card ng KCAP nang walang kaukulang pahintulot mula sa kanya. Nabasura ang reklamong ito ni Kris kay Nicko sa Pasig, Makati, at Taguig. Iniurong naman ni Kris ang reklamo niya laban kay Nicko sa siyudad ng Mandaluyong.

-ADOR V. SALUTA