NAGPAABOT ng mensahe ang cast ng Avengers: Endgame sa Pinoy fans, na nagpakita ng hindi birong suporta sa pelikula sa nakalipas na dekada.

“To our fans in the Philippines who have been deemed the biggest fans in Southeast Asia, from the bottom of my arc reactor heart, thank you for the overwhelming love and support you’ve shown to the MCU [Marvel Cinematic Universe] over the past 10 years,” sabi ni Robert Downey Jr. na gumaganap sa role ni Iron Man sa pelikula.

“You are the biggest fans. You guys rock,” lahad naman ni Jeremy Renner, na si Hawkeye sa pelikula.

“Fans of the MCU in the Philippines, we wanna thank you!” sabi pa ng mga direktor na sina Anthony Russo at Joe Russo.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Samantala, nag-iwan din ang aktres na si Brie Larson, na gumaganap bilang si Captain Marvel, ng maikli at sweet message sa fans: “Sending my photon blast-filled love to you and all as we journey into endgame.”

“We got you. Whatever it takes,” sabi pa ni Robert sa dulo ng clip.

Sa pagtatapos ng weekend debut, inaasahang tatabo ang Avengers: Endgame ng $1 billion globally.

-MARJALEEN RAMOS