DUMAGUETE CITY – Matikas na sinimulan nina University of Negros Occidental-Recoletos alums Alexa Polidario atErjane Magdato ang kampanya sa women’s championship sa impresibong ‘sweep’ sa pool match para makausad sa quarterfinal ng BVR On Tour: Dumaguete Open kahapon sa Rizal Boulevard sand court.

Nadomina ng tambalan nina Polidario at Magdato sina LNMB-Negros’ Kathrina Epa at Chloe Tumpag, 21-10, 21-6, gayundin sina Air Force 1’s May Ann Pantino atJozza Cabalsa, 21-112, 21-9 para manguna sa Pool A.

Impresibo rin sina Perlas’ Bea Tan at Dij Rodriguez, target ang ikatlong titulo rito, sa Pool B nang gapiin sina NU-Boysen’s Roma Joy at Roma Mae Doromal, 21-11, 15-21, 15-4, sa rematch ng Santa Fe, Bantayan Island Finals.

Sa men’s division, pinangunahan ng tambalan nina Chueng Chek at Li Chun Kit ng HongKong ang apat na koponan sa quarterfinals.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sonimulan nina Chueng Chek at Li ang kampanya sa 21-17, 21-14 panalo kontra Dumaguete’s Buen Sayson at Reynald Catipay.

Umusad din ang University of St. La Salle’s pair nina Herold Parcia at Deanne Neil Depedro sa Pool B, nang gapiin sina Sayson at Catipay, 21-12, 21-19.

Nakapsok din sa men’s top eight sina University of Santo Tomas’ Efraem Dimaculangan at Rancel Varga, gayundin ang Gandang Laban-Aklan’s Raw nina Inaudito and Nichol Jundana.