NAGPASALAMAT si Regine Velasquez sa supporters niya na nagtanggol sa kanya sa banat sa kanya ni Ben Tulfo, at kasabay nito ay umapela ang Asia’s Songbird na magtulung-tulong na lang ang lahat to save Mother Earth.

Regine copy

Mababasa ang series of tweets ni Regine sa kinasangkutan niyang isyu, makaraan niyang sabihan si Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin kaugnay ng pag-aahon ng China ng mga clams sa West Philippine Sea.

“Hi guys, gusto ko lang magpasalamat sa pagtatanggol n’yo sakin. Pero isantabi na po natin ito at humahaba na nang humahaba,” apela ni Regine sa kanyang fans.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Salamat sa pagtatanggol n’yo sa ating karapatang ihayag nang malaya ang ating mga saloobin. But for now, let us all focus on healing and forgiving each other.

“Sa ngayon I think mas makakatulong tayo kung gagawa tayo ng isang bagay para sa ating kalikasan kahit maliit na bagay lang....”

Sinundan pa ito ni Regine ng tweet: “Ang hindi magtapon ng basura kung saan-saan. Maging responsable tayong lahat at magtulungang panatilihing malinis at maganda ang ating kapaligiran.”

Sa huli, nagpakumbaba si Regine at inaming nagkamali rin siya sa pagtu-tweet laban kay Locsin.

“I answered a tweet that for me was disrespectful to all of us but didn’t realise that I was disrespectful of him too. I’m not proud of that. But still this is about people destroying Mother EARTH. It’s the only one we have and so let us love and protect Her.”

Si Ogie Alcasid ang tumapos sa isyu ni Ben laban kay Regine at hinangaan si Ogie ng netizens sa ginawa niya.

Tweet ni Ogie kay Ben: “Sir @ bitagbentufo. I offer my cheek to you. After you have maligned my wife I ask that you focus on me. She is after all a lady. God bless you, sir.”

-NITZ MIRALLES