Apat na katao ang nasawi sa hinukay nilang 40 talampakan ang lalim na balon sa Barangay Lawaan, New Washington, Aklan.

Ayon kay Provincial Fire Marshal, Supt. Nazrudyn Cablayan, tumulong sila nitong Huwebes sa mga tauhan ng Provincial Disaster Risk and Reduction Management Office sa pagrekober sa bangkay ng apat na lalaking pawang residente sa naturang lugar.

Tumagal, aniya, ng siyam na oras ang isinagawang retrieval operations dahil sa sobrang lalim ng hukay.

Hinala ng mga awtoridad, posibleng naubusan ng hangin ang mga obrero sa ilalim ng hukay, na nagresulta ng kanilang pagkasawi.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Gayunman, nagsasagawa pa rin ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang sanhi ng insidente.

Jun N. Aguirre