PRIM and proper pa rin si Kris Aquino kahit lumilindol na habang kausap niya ang ilang entertainment press sa isang restaurant nitong Lunes nang hapon, pagkatapos ng pa-presscon niya kay Ms. Timi Aquino, asawa ni Senatoriable Bam Aquino.

kRIS

Dahil nagkukuwento si Kris tungkol sa taxes at drugs na napag-usapan sa Q and A ay hindi niya napansin na lumilindol, sinabi lang ito ng mga nakapaligid sa kanya.

Aniya, “yes may lindol at nawalan ng kuryente, umuwi na tayo!”

Tsika at Intriga

Ex-PBB housemate at transman Jesi Corcuera, buntis!

Sinabihang palipasin muna dahil baka mahilo pa at shock proof naman ang haligi ng restaurant.

“I want to go home na, my sons, because nasa fault line kami, huy, mag-check kayo, tawag sa bahay (sabi sa staff). Yes malakas ‘yun (6.1) and we’re in Green Meadows (subdivision). Check. My God, my house! Check si Bimb at si Kuya,” nakangiti at kalmadong sabi ni Kris.

Sabi ng lahat, nakakahilo pa pagkatapos ng malakas na pag-uga.

“Yes, na-vertigo ako! At nagsi-shake pa, it’s the end of the world na, I’m telling you, buti na lang nabili ko na lahat ng Chanel (earrings) na gusto ko (tawanan ang lahat ng kaharap). At least na-experience ko siya. Bwisit ang laki pa ng tax na binayaran ko, sana pala,” birong sabi ng Queen of Social Media.

Sabay sabing, “teka nahihilo ako, ‘yung sirc (gamot sa vertigo), ang lakas pa.”

Humingi ng gamot si Kris, “utang na loob mahihimatay pa yata ako, ang pangit nito. At iyon na ang kuwento n’yo, ni-rush sa hospital dahil nilindol, ang tsaka!”

Hanggang sa wala ng masyadong naramdamang pag-uga at tuluyan nang nagpaalam si Kris.

Samantala, marami ang nakapansin na ang laki ng iniliit ng katawan ni Kris lalo na sa suot niyang pink shirt na may litrato ng pinsan niyang si Bam kasama ang asawang si Timi at dalawa nilang anak. At dahil dito ay inamin niyang sa children section niya nabili ang suot niyang t-shirt.

Base sa nakita naming reactions ng mga dumalong media, both news and entertainment, excited silang muling maka-tsika ang nag-iisang Kris Aquino dahil sa bawat buka ng bibig niya ay pang-banner story na at nagkakatawanan ang lahat dahil ang daming kuwento ng Queen of Social Media.

Tinanong si Kris tungkol sa pagpasok niya sa pulitika sa 2022 at posibleng makatapat niya si incumbent Davao City Mayor Sara Duterte kung sakaling pareho sila ng tatakbo.

“One, what I have is not curable and I’ve accepted that.

“Second, ayokong upakan niya ako (natawa). Sorry, ha? I’m being honest. I don’t see myself in a position going against her because I find the narrative so wrong.

“Kasi maling-mali na kami ang pinag-aaway, eh, kasi walang ugat. Kung tinanong n’yo ‘ko kung tatakbo ako (at) kung Marcos ang tatakbo, bahala na si Batman, yes, isusugal ang lahat kung ‘yun ang kalaban.

“Pero kung Duterte ang tatakbo, ibibigay ko na sa kanila ‘yun kasi wala kaming malalim na ugat, sugat or hindi namin sila kaaway.

“Honestly, ang feeling ko lang talaga, gusto kaming pag-awayin para nakakalimutan kung sino talaga ang matagal na ang away,” nakangiting pahayag ni Kris.

Naikuwento rin sa anim ni Kris na sa panahon ng pagkaka-upo ni dating Presidente Noynoy Aquino, ni minsan ay walang naging isyu ang pamilya Duterte sa kanila.

“So far, ha, wala naman siyang matinding mura na ginawa sa brother ko. So far. Baka today,” tumawa pang sabi ng bunsong Aquino.

Inalam din kung may iba pang kandidatong susuportahan si Kris kapag hiningan siya maliban sa pinsang si Bam.

Itinuro ni Kris na tingnan ang kanyang IG story dahil naroon daw lahat ang mga gusto niyang suportahan.

Klinaro rin niyang wala siyang tinanggihan para i-endorso bagkus ay siya pa ang nagprisintang tulungan si Bam bilang pribadong tao base sa kuwento ng misis nitong si Timi.

-REGGEE BONOAN