ILALARGA ng Jr. NBA Philippines, sa pakikipagtulungan ng Alaska, ang huling Regional Selection Camp sa 2019 sa April 27-28 sa Don Bosco Technical Institute sa Makati City.

Ang Metro Manila leg ng regional tryouts ay libre at bukas para sa batang lalaki at babae na may edad 10 hanggang 14.
Pangangasiwaan nina Jr. NBA coach Rob Newson at PBA legend Jeffrey Cariaso ng Alaska ang cage camp kung saan ituturo ang tamang pamamaraan sa fundamental skills at core values ng sports.
Nakatakda magbukas ang camp ganap na 9:00 ng umaga sa April 27.
Batay sa panuntunan ng programa, tuturuan sa dalawang araw na camp ang mga kalahok ng serye ng drills bago isabak sa exhibition games bago piliin ang bagong set ng mga players na makakasama sa 40 boys at 40 girls campers sa National Training Camp sa May 17-19.
Mula sa National selection, pipili ng limang lalai at limang babae na kakataawan sa Jr. NBA Philippines All-Stars na lalahok sa kauna-unahang Jr. NBA Global Championship Asia Pacific Selection Camp kung saan makakasama nila ang mga kapwa players mula sa North Asia, Southeast Asia, at Pacific regions.
Mula sa Asia Pacific regional competition, pipili ng 10 lalaki at 10 babae na kakatawan sa rehiyon para sa Jr. NBA Global Championship na nakatakda sa Aug. 6-11 sa ESPN Wide World of Sports Complex sa Walt Disney World. Tampok sa torneo ang mga players mula sa U.S., Canada, Latin America, Europe, the Middle East, China, Mexico, Africa, India at Asia-Pacific.
Target ng Jr. NBA, ang global youth basketball program ng NBA, na maturuan ang mga kabataan ng tamang fundamental at mahubog ang kanilang katauhan na magagamit nila sa kanilang pamumuhay.
Target ng NBA na matugunan ang programa para sa mahigit 51 milyon kabataan mula sa 75 bansa, sa pamamagitan ng league play, in-school programming, clinics, skills challenges, at other outreach events.
Itinataguyod ang Jr. NBA Philippines ng Alaska, AXA, Gatorade, Globe, Panasonic, Rexona, at Vivo (officialpartners), ABS-CBN S+A, Basketball TV at NBA Premium TV.
Sa mga interesadong lumahok, bukas na ang pagpapatala onl;ine sa www.jrnba.asia/philippines, gayundin sa www.nba.com at Facebook at Twitter.