NIYANIG ng Davao Cocolife Tigers ang San Juan Arena matapos gibain ang home team Knights,77-66 sa Gama 4 ng Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup Finals kamakalawa ng gabi.
Mistulang magnitude 6 ang lakas na ipinamalas ni Visayan Superman Billy Robles sa kanyang double-double performance upang giyahan ang kanilang koponan para sa klasikong rubber match winner-take- all championship na uuga bukas sa Davao City.
Sa pinagsamang puwersa nina dating PBA veterans Leo Najorda,Bonbon Custodio,Leo Najorda,Bogs Raymundo,mainit na kamay ni Joseph Terso at buwis-buhay na depensa ni Emman Calo,nakuhang tapyasin ng Tigers ang double digit na lamang ng Knights na ipinoste nina Mac Cardona, John Wilson at Mike Ayonayon pagpasok ng final quarter at nakuhang umabante sa tres ni Najorda apat na minuto sa laban tungo sa come from behind victory.
Ang best player of the game na si Robles ay kumamada ng 21 puntos,11 rebounds at 3 ,assists upang akayin ang koponan ni Claudine Bautista ng Davao Occidental LGU na suportado nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon,FVPJoseph Ronquillo at AVP Rowena Asnan, pabalik ng Davao City para sa Game 5 na kampeonatong wala nang bukas ng ligang inorganisa ni Senator Manny Pacquiao