KAPUSO pa rin ang Primetime King ng network na si Dingdong Dantes makaraang pumirma siya ng panibagong kontrata last Monday. Isa siyang loyal Kapuso, dahil bago nag-renew ng contract, 21 years nang nasa p a n g a n g a l a g a n g GMA-7 s i Dingdong.

Dingdong at Marian

“Dito ko na po nakilala ang napangasawa ko, dito na ako nagkaroon ng anak, at ngayon, ng pangalawa kong anak,” nakangiting sabi ni Dingdong, tinukoy ang kapapanganak niyang bunso na si Jose Sixto Dantes IV.

“Kaya ilang araw pa bago ako muling mag-sign ng contract, inihanda ko na ang isusuot kong favorite suit ko for a very important occasion in my life.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Pero hindi ako umalis ng bahay na walang approval of my two girls in my life, okay daw, bagay na bagay,” kuwento pa ni Dingdong, tinukoy ang asawang si Marian Rivera at ang panganay nilang si Zia.

Five years ago nang huling pumirma ng contract sa GMA si Dingdong. Ano ang pakiramdam niya na muli siyang pumirma ng kontrata, at pinatunayang loyal pa rin siya sa network?

“Para sa akin, since Easter ngayon, parang rebirth ito of my commitments to GMA sa pagtitiwalang ibinigay nila sa akin. At hindi ko sila bibiguin, kung ano ang puwede kong gawin para sa kanila, gagawin ko.”

Ipinakita sa event, nakumpirma na ang first project ni Dingdong sa new contract niya—gaganap siyang “Big Boss” sa Philippine adaptation ng patok na Korean drama na Descendants of the Sun (DOTS).

Hindi napigilan ni Dingdong na maging emotional dahil isa na namang malaking proyekto ang gagawin niya. Nagbalik daw sa kanyang alaala noong teenager pa lang siya nang pinagkatiwalaan na siya ng GMA ng mga proyektong hindi niya malilimutan.

“Hindi ko po bibitawan ang pagtitiwalang ibinigay nila sa akin. Hindi ko pababayaang a n g magandang r e l a t i o n s h i p n a i y o n a y masayang. Nagpa-flashback po sa a k in ang mga p a g t i t i w a l a n g ibinigay nila sa akin. Maraming salamat po.”

On a lighter side, since isinilang na nga last April 17, Holy Wednesday, ang second baby nila ni Marian na binigyan nila ng nickname na Ziggy, kumusta naman si Ate Zia, nang iuwi na nila sa bahay ang guwapong baby boy?

“Masayang-masaya siya, Ateng-Ate, niyakap agad ang baby brother niya.”

Maraming humihiling na sana ay si Marian ang makatambal niya sa Descendants of the Sun.

“Malabong mangyari. Nasa preparation stage na kami sa teleserye. Noon kay Zia, umabot ng two years bago siya nakapagsimula ng kanyang Super Ma’am. Ngayon, dalawa na ang anak namin, na aalagaan niya. Hands on siya kasi sa pag-aalaga ng mga anak namin.

“Pero inaantay ko ang araw na magkasama kami muli ni Yan gumawa ng isang teleserye o isang pelikula.”

Magiging very busy na rin si Dingdong dahil kasama siya sa paghahanda ng mga bagay-bagay para sa DOTS. Siya pa rin ang nagho-host sa Tadhana ng asawang si Marian, at siya rin ang host ng Amazing Earth.

Isa pang project ang malapit na rin niyang simulan, ang pagho-host sa reality artista search na since batch one ay siya ang host, ang StarStruck 7.

-NORA V. CALDERON