NADAGDAGAN na naman ang restaurant ni Ai Ai delas Alas, dahil opening na bukas, April 25, ng bago niyang Hauz of Unli, na nasa #72 Shorthorn, Project 8, Quezon City.

Ai Ai

Pawang successful ang mga naunang resto ni Ai Ai, dahil kung hindi tiyak na hindi rarami ang kanyang food business.

Speaking of Ai Ai, ang laki tiyak nang pasasalamat sa kanya ng members ng rap group na Ex-Battalion dahil may sarili na silang bahay, courtesy of the Comedy Queen.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ipinost ni Ai Ai ang tinawag niyang “Ex B House”, na malaki at may mga sasakyan sa harap. Hindi lang nilinaw ni Ai Ai kung tig-iisang bahay ang bawat members ng Ex-Battalion, o iisa lang ang bahay at may kani-kaniya silang kuwarto.

“Nakakatuwa naman mga alaga ko, in fairness. Ito naman talaga ang dahilan bakit nila ako manager...gusto ko silang tulungan maiangat ang buhay nila at pamilya nila, dahil naniniwala ako sa talent ng mga batang ‘to.

“Kahit marami ang namba-bash sa kanila dahil sa mga personal nilang buhay, hindi naman matatawaran na genius naman talaga pagdating sa kantahan at rap. Kayang gumawa ng kanta, ‘pag gusto nila, nang mabilisan at may katuturan. Salamat sa DIYOS at may naipundar naman. Proud mama.”

Anyway, kasama ni Ai Ai ang Ex-Battalion sa Viva Films movie na S.O.N.S o Sons of Nanay Sabel, na showing na sa May 1, sa direksiyon ni Dado Lumibao. Musical daw ang tema ng movie, at gaganap na mga anak ni Ai Ai ang Ex- Battalion members.

-Nitz Miralles