MOST hated ng avid televiewers ng Inagaw Na Bituin ang kontrabida nasi Therese Malvar bilang si Ariela na sobrang mean at bitchy kay Kyline Alcantara sa nasabing GMA7 afternoon drama series.

And take note, ang dami niyang bashers sa social media. At ito lang ang sagot dito ni Therese: “Actually, expected ko naman pong magagalit ang viewers sa kamalditahan ko but ‘yung grabeng feedback ng haters is more than I expected.

“One episode na i-sabotage ang performance nina Kyline and Melbelline, umabot ng 1 million hits at sobrang galit talaga ang viewers sa akin, hating me with a passion.

“At first, medyo affected ako, but then, iniisip ko na lang na hindi naman sila sa akin galit nang personal but doon sa character ko, so hindi ako dapat magalit din sa kanila. It’s Ariela who’s being bashed, not really me as Therese.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Henga naman, may katwiran ang katuwiran! At dahil maraming bashers ang galit kay Therese Malvar, ‘yun ay pagpapatunay lamang na isang magaling na character actress ang kaagaw ni Kyline sa Inagaw Na Bituin. Mapapanood ang serye tuwing 4:15 ng hapon sa GMA7 afternoon prime.

‘Yun na!

-MERCY LEJARDE