Standings

Aspirants Group

W L

Cignal 6 1

UST 4 1

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

St. Clare 4 1

Petron 4 2

Che’Lu 3 2

GFG 3 3

AMA 2 3

Batangas 1 5

McDavid 1 5

Family Mart 0 5

Foundation Group

W L

CEU 6 0

Metropac 5 1

Valencia 4 1

Wangs 3 2

Marinero 3 3

Chadao 3 3

Diliman 2 3

Perpetual 1 4

SMDC 0 5

Trinity 0 5

Mga laro ngayon

JCSGO Gym, Cubao

1 p.m. - Batangas-EAC vs Family Mart-Enderun

3 p.m. - CD14 Designs-Trinity vs SMDC-NU

MAKAAHON ng bahagya sa ilalim ng kani-kanilang grupo ang hangad ng apat na cellar dwellers na magsasagupa ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D League sa JCSGO Gym sa Cubao.

Magkasunod sa ilalim ng Aspirants Group, magtutuos sa unang laban ganap na 2:00 ng hapon ang Batangas-Emilio Aguinaldo College at Family Mart-Enderun College na susundan ng tapatan ng CD14 Designs-Trinity University of Asia at SMDC-National University na kasalukuyan namang magkasalo sa buntot ng Foundation Group.

Tatangkain ng Generals na madagdagan ang nag-iisang panalong naiposte sa unang anim nilang laro habang magkukumahog naman ang Titans na makamit na ang napakailap na unang tagumpay upang makaahon sa kinasadlakang limang sunod na kabiguan.

Unahan namang makahanay sa kanilang mga kagrupo na mayroon ng panalo ang dalawang winless teams ng Foundation Group na White Stallions at Bulldogs na kapwa may markang 0-5.

Tatangkain ng Generals na bumawi mula sa natamong 119-122 overtime na kabiguan sa huling laban nila noong Abril 15 sa AMA Online Education

Samantala, sisikapin naman ng tatlong koponang Family Mart- Enderun, CD14 Designs-Trinity at SMDC-NU na hindi na masundan pa ang naunang tig-5 nilang talo.

-Marivic Awitan