MALAPIT nang magsilang si Meghan Markle!

DORIA

Ang unang anak nina Prince Harry at Meghan ay inaasahang isisilang "any day" now, dahil dumating na ang ina ng Duchess of Sussex, si Doria Ragland, sa London, lahad ng dalawang source sa Entertainment Tonight.

Kamakailan ay lumipat ang couple sa Frogmore Cottage, isang scenic home malapit sa Windsor Castle, kung saan plano nilang palakihin ang kanilang anak. Kahit na ang paglipat sa gitna ng pagbubuntis - particularly the final days – ay hindi madali at mukhang seryoso, una nang sinabi ng source sa ET na Meghan “(is) enjoying her pregnancy and anticipating the days ahead”.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

"It is such a happy and exciting time for Meghan," sabi pa ng insider. "She looks absolutely radiant and is taking each day at a time. (She is) looking forward to becoming a mother."

Kahit kalat na ang balitang anumang araw ay manganganak na si Meghan, hindi alam ng royal fans ang eksaktong araw ng pagdating ni Baby Sussex. Una nang inihayag nina Meghan at Harry – ‘di gaya nina Prince William at Kate Middleton – na hindi sila magpo-post ng mga larawan ng bagong silang na sanggol pagkalabas na pagkalabas ng ospital. Sa halip, magbabahagi sila ng mga larawang kinunan sa binisidad ng Windsor Castle kalaunan.

"Meghan Markle does not want the pressure of having to pose on the steps for cameras so soon after childbirth," lahad ng source sa ET, at sinabing “while the couple is extremely excited for the birth of their first child, they intend to enjoy the magic of childhood without any undue expectations.”

Ang pagdating ng ina ni Meghan ay kasabay din ng isa pang mahalagang okasyon – ika-93 kaarawan ni Queen Elizabeth II nitong Linggo –na ipinagdiwang ng couple sa pamamagitan ng isang espesyal na Instagram post.

"Happy Birthday Your Majesty, Ma'am, Granny," caption ng pares sa mga larawang ipinost nila sa Instagram. "Wishing you the most wonderful day! Harry & Meghan."