NG guwapo ng baby boy nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na pinangalanan nilang Jose Sixto G. Dantes IV at may palayaw itong Six at Ziggy. Ipinost ni Marian ang picture ng anak na kuha nu’ng two days old siya.

Zia at Ziggy

Zia at Ziggy

“Noon, nangarap kaming magkaroon ng supling at binigyan Niya kami ng isa. Makalipas ang tatlong taon, humingi kami at ibinigay Niya.

“Ang magkaroon ng isa pang lalaking anak ay sagot sa aming mga dasal, kaya’t nag-uumapaw ang aking puso sa biyayang ito. Akala ko hindi ko kakayanin, ngunit nakaraos ako dahil sa suporta ng mga nagmamahal sa pamilya namin, lalung-lalo na dahil sa mga dasal niyong lahat. Maraming salamat. Ngayong nabuhay na ulit si Hesus, muling ipinaalala ng araw na ito na lahat tayo ay biyaya ng Diyos sa isa’t isa. Happy Easter. Ito na marahil ang pinakamasayang Pasko ng Pagkabuhay ng aking buong pakikipagsapalaran sa mundong ito, dahil sila - si Dong, si Letizia at si Sixto - sila ang aking buhay. #Six #Ziggy.”

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Hindi lang mga kaibigan ni Marian ang nag-congratulate sa kanya dahil p a t i k a p w a taga-showbiz, ay binati siya at pare-pareho ang comment ng mga ito na isa na namang “beautiful baby” ang kanyang isinilang.

Samantala, muling pipirma ng kontrata sa GMA Network ngayong Lunes si Dingdong at siguradong matatanong siya tungkol sa panganganak ni Marian, kay Baby Ziggy, at sa new projects niya sa GMA-7, gayundin ang movie projects niya sa Star Cinema, Viva Films at Reality Entertainment.

-NITZ MIRALLES