DEAR Manay Gina,

Ako ay dalaga, middle-age na, at may mainam na hanapbuhay. Isa po ako sa mga babaeng ang karelasyon ay lalaking may asawa. Nagmamahalan kami at napakabuti niya sa akin. Mabuti rin siyang ama sa kanyang dalawang anak. Kung tutuusin, para na rin siyang single dahil hiwalay na siya sa kanyang asawa, dalawang taon na ang nakararaan.

Kaya lamang, hanggang ngayon ay hindi pa naipapa-annul ang kanilang kasal. Masasabing okay naman ang relasyon niya sa dati niyang misis, pero nagtataka lamang ako dahil pareho silang walang ginagawa para maipawalang-bisa ang kanilang kasal. Ano ang dapat kong gawin sa bagay na ito?

Liza

Dear Liza,

The real answer to your question is this: When you are already married, you are not free to marry anyone else. Sa kasalukuyan, ang kanyang sitwasyon ang nagsisilbing hadlang sa inyong pagpapakasal.

Ang pakikisama sa isang lalaking may asawa ay hindi mabuti para sa iyo. Hindi rin lubos ang iyong kaligayahan dahil lagi kang may agam-agam sa kanyang pagmamahal.

Pag-isipan mong mabuti ang kalagayan mo at kapag nakapagpasya ka na, kausapin mo ang iyong kasintahan. Gawin mo kung ano ang matuwid, dahil iyon ang magdudulot sa iyo ng kapanatagan. Kung talagang mahal ka niya, he will try his best to make an honest woman out of you.

Nagmamahal,

Manay Gina

“You need to make a commitment, and once you make it, then life will give you some answers.” -- Les Brown

Ipadala ang tanong sa [email protected]

-Gina de Venecia