KILALANG rom-com queen si Jennylyn Mercado, at tanggap na tanggap ito ng Ultimate Star ng GMA Network.
Kaya nang makausap siya ng mga press sa mediacon ng latest romantic-comedy series niya, ang tele-pelikulang Love You Two, at tanungin kung papayag siyang gumanap sa movie version ng Darna ng Star Cinema, kapalit ni Liza Soberano, parang hindi siya makapaniwala.
“Hindi ko po masyadong naririnig na may ganoong balita,” sabi ni Jen.
“Pero siyempre kung isa man ako sa mga nababanggit, siyempre, flattering naman po ‘yun para sa akin. Pero priority ko po itong bago kong rom-com, dahil magsisimula pa lang kami sa Monday, April 22, at may world premiere kami sa primetime telababad ng GMA 7.
“Saka may mga gagawin din akong movies this year at hanggang next year,” sabi ni Jennylyn.
Kunsabagay, wala namang exclusive contract si Jennylyn sa kahit anong film outfit ngayon. Pero may balita rin na after ng Love You Two ay may naghihintay na isang malaking project si Jennylyn sa GMA Network, na matagal na ring inaabangan ng mga fans na gawin niya.
Saka ang Darna rol e ay mangangailangan ng mahabang paghahanda if ever.
Kaabang-abang nga ang Love You Two, na first team-up nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado, sa direksiyon ni Irene Villamor. Sabi nga, pinagsama ang dalawang rom-com stars sa bagong serye, dahil nang lumipat si Gabby sa GMA ay nakilala siya sa rom-com series na Because of You as “Boss Yummy”.
Sa Love You Too, gagampanan naman ni Gabby ang role ni Jake, na may-ari ng Kalayaan Hotel. Sabi nga ng cast, ang gaan daw ng trabaho sa set dahil para raw lang silang naglalaro sa taping.
Isa kami sa masuwerteng nakapanood sa pilot episode ng serye, at maganda nga, mai-in love ka sa rom-com, na nagtatampok kina Jen as Raffy, Gabby as Jake, at Shaira Diaz as Sam.
Mapapanood din sa serye sina Jerald Napoles, Kiray Celis, Clint Bondad, Solenn Heussaff, Nar Cabico, Yasser Mata, at Michelle Dee.
Mapapanood na sa Monday, April 22, ang Love You Two, pagkatapos ng Sahaya sa GMA 7.
-NORA V. CALDERON