HINDI sintunog ang pangalan niya sa mga idolong sina Efren “Bata” Reyes at Dennis “Robocop” Orcollo.

SGT. BAYHON: Gagayahin ko si Bata Reyes.

SGT. BAYHON: Gagayahin ko si Bata Reyes.

Ngunit, hindi pipitsugin ang Police Staff Sgt. Eric Bayhon sa larangan ng bilyar. Tinaguriang “Billiard Cop”, kabilang si Bayhon sa mga atletang Pinoy na nakapagbigay ng dangal sa bayan.

Nasargo ni Bayhon ang ikalimang puwesto sa ginanap na 2017 World Police and Fire Games 9-Ball tournament na ginanapa sa Los Angeles, California.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mahigit 100 players mula sa 70 bansa ang nakipagtagisan sa naturang torneo.

Sa pagkakataong ito, kumpiyansa si Bayhon, nagsanay sa pakikipaglaro sa mga batikang player sa bansa na may paglalagyan siya sa 2019 edition ng torneo na gaganapin sa Chenggu, China sa Agosto.

“Pipilitin ko po na manalo na ng gold sa darating na August. Talaga g pinaghahandaan ko ito,” pahayag ni Bayhon sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.

Ang 37-anyos na Police Staff Sergeant mula sa Zamboanga City ay isa sa dalawang Pinoy na sumabak sa World Police and Fire Games 9-Ball tournament.

“Mabigat yun laban dun pero kumpiyansa naman tayo, lalo na madami naman tumutulong sa atin, kasama na syempre si PNP Chief Oscar Albayalde,” pahayag ni Bayhon sa lingguhang sports forum na itinataguyod n g P h i l i p p i n e S p o r t s Commission, Pagcor, NPC, at HG Guyabano Tea Leaf Drink ni Mike Atayde.

Maagang nasanay sa sports si Bayhon sa edad na 14 at ilang beses siyang sumabak sa mga torneo sa local at abroad.

“ Naniniwala naman ako n a talagang may kakayahan tayong mga Pilipino sa billiards. Madami ng karangalan ang naiuwi ng mga billards champions natin dito sa atin,” sambit ni Bayhon, dating billiard referee sa pamosong Hermes Sports Bar ni billiards patron Perry Mariano ay maybahay na si Verna ng Bugsy Promotions.

Ang TOPS ay napapanood ng live sa Facebook page t u w i n g H u w e b e s s a pamamagitan ng Glitter Livestream sa pangangasiwa ni Community Basketball Association (CBA) founder Carlo Maceda.