MASKI paulit-ulit nang sinasabi ni Kris Aquino na pahinga muna siya sa social media ay hindi pa rin niya maiwasang hindi mag-post para sumagot sa mga isyu sa kanya at sa kuya niyang si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Kris copy

Unang sinagot ng bunsong Aquino ang tungkol sa sinabing nagpahanap siya ng ‘hired killers’ para patahimikin ang magkapatid na Nicko at Jesus Falcis.

Ang sinasabing nagpahanap ng hired killers si Kris ay nakarating umano sa Falcis brothers sa pamamagitan ng pagpasa ng text message niya mula sa kaibigan din daw.

Tsika at Intriga

'Ate Girl' Jackie Gonzaga, naloka; buntis daw, si Ion Perez ang ama?

Naniniwala si Kris na may bahid ng pulitika ang kaso sa kanya. Nabanggit niya rin sa kanyang IG post na may koneksyon ang kampo ni senatoriable Mar Roxas.

Nakapanayam ng isang broadsheet si Caloocan Second District Rep. Edgar Erice na konektado rin sa isyu dahil siya ang campaign manager at spokesperson ni Mar, at sinabi umano ng kongresista na malaking pagkakamali raw ng huli ang pagkakadikit nito kay PNoy.

Hindi binanggit ni Kris ang pangalan ni Erice pero naniniwala ang kanyang followers na ito ang pinatatamaan niya sa naturang IG post. Aniya, may kinalaman din umano si Erice sa pagdedemanda sa kanya ng Falcis brothers.

Post ni Kris, “Uunahan ko na ‘yung spokesperson, akala ni Rochelle kaibigan niya, mukha siyang goons, lahat ng bodyguard ko dati mukhang hipan lang ng hangin - tutumba.

“Tumawag si Rochelle asking kung may mare-recommend na mga mukhang basagulero dahil may nagpakita sa akin ng ‘chat group’ n a lahat ng galaw namin – pati schedule ni kuya – kumpleto.

“Dinagdagan ang kuwento (‘wag mag-deny, nabasa ko sa affidavit ng mga Falcis) humingi daw ako ng ‘hitman’ sa kanya.”

“Matalino kayo – affidavit ang kalaban ko. Alam na kung sino ang nasa likod ng mga Falcis. Destroy Kris, kanya 2022.”

Nagkomento naman ang basher na si @shss109: “Rest in Peace, mukha ka ng bangkay pagamot mo ‘yan utak mo sa mental hospital ng ‘di ka na nag-iingay. Kakasakuka ka lakas ng tagas ng utak mo [fist bump and smile with tongue sticking out emojis] @krisaquino.”

Alam naman ni Kris na ang nasabing basher ay ang magkapatid na Nicko at Atty. Jess Falcis. Sagot niya: “@shss109 Hi Nicko. Hi Jess. Make up your mind – ARTECARIA ba, LUPUS queen, or mukhang bangkay? ‘Yan ang problema – ‘pag puro pagsisinungaling – SUPER HARD TO STICK TO ONE STORY.”

Samantala, pinalagan ni Kris ang sinasabing kaya nalaglag si Mar ay dahil sa pagiging dilawan niya.

“I archived my other post not because I don’t stand by everything I said, but because marespeto akong pinakiusapan ni @kiko.pangilinan ng ‘ceasefire.’ Please know this about me, when I have seen a person is GENUINE, madali akong kausap, kaya kong magbigay,” aniya, binanggit si Senator Kiko Pangilinan, na presidente ng LP.

“Bunso akong nasaktan dahil sa nabasa ko: Inapakan ang pagkatao ng kapatid ko, na nanatiling tapat sa taong paniwala siyang totoong kaibigan niya.

“Nu’ng nilaglag s’ya ng ganu’n-ganu’n lang – pumalag ako. Pero mag-react man ako, mabubura ba nu’n ‘yung sugat sa puso ni Noy na alam kong sa pagkatao niya never tayong makakabalita ng kahit anong sama ng loob? Baka mas lalo pa s’yang masaktan dahil alam nyang kaming mga kapatid niya (ang) nadurog ang puso para sa kanya.”

“You were a blessing in disguise Cong. Erice. Because of you and your candidate, our FAMILY has moved so much closer to becoming WHOLE again. Hindi na kailangan maging divided between Team N and Team K, because more than any other family, alam namin how temporary power and political alliances can be, BUT the whole of Monday, my sisters & I communicated a TRUTH & a BOND shared by every other Filipino regardless of political affiliation: HINDI MO TINATALIKURAN ANG KADUGO MO. DAHIL SA UMPISA AT HULI, ANG HINDI MANG-IIWAN SA’YO – PAMILYA.

“Because nakita nila despite one year na hindi okay, nangibabaw na mahal ko si Noy at ‘yun na nga, BAHALA NA SI BATMAN pero handang-handa si bunso, na para sa kanya, s’ya na ang ituring na CATWOMAN. Dahil meron ngang FOREVER, and that is FAMILY.”

Bukas naman ang pahinang ito para sa kampo nina Mar Roxas, Edgar Erice at sa magkapatid na Nicko at Jesus Falcis.

-REGGEE BONOAN