INAGAW ng Korean fighters ang masayang pagdiriwang ng homecrowd nang walisin ang main event ng Fight Night III: Philippines vs Korea mixed martial arts duel na inorganisa ng Cage Gladiators at Hitman MMA nitong Linggo sa SM Skydome sa Quezon City.

ITINAAS ng referee ang kamay ni Korean fighter Min Hyeok Lee matapos makuha ang unanimous decision konta local star Miguel Ayo sa Fight Night: RP vs Korea. (HITMAN MMA)

ITINAAS ng referee ang kamay ni Korean fighter Min Hyeok Lee matapos makuha ang unanimous decision konta local star Miguel Ayo sa Fight Night: RP vs Korea.
(HITMAN MMA)

Sa harap ng nagbubunying home crowd, matatag na nakihamok si Min Hyeok Lee laban sa Pinoy star na si Miguel Ayo sa loob ng tatlong round nang walang humpay na ‘grappling duel’ at makuha ang unaminous decision win.

Higit namang masakit sa damdamin ng local MMA fans ang kabiguan ng pipi’t binging si Dennis Domingo via

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Submission (Rear-Naked Choke) kontra Kim Jae Wooong may 1:12 sa unang round.

“It’s a huge win. My opponent is very good. He is strong and smart. I’m just lucky to win. I’m so sorry to the crowd, I know you expect a win, but this is MMA, anything can happen,” pahayag ni Kim na umaasang muling makakasama sa fight card sa susunod na serye ng torneo.

Kapwa nagpamalas na husay sa depensa ang magkaribal na parehong nakaiwas sa pagtatangkang ma-takedown ang isa’t isa sa kabuuan ng laro. Ngunit, angat ang Korean sa grappling na nagbigay sa kanya ng malaking puntos mola sa mga hurado.

“I’ve been training hard for a long time, and this was just me flowing. I am happy with my performance against a veteran of the sport like Miguel Alo. I totally respect him as a competitor. I apologize because I wasn’t able to get the finish because Miguel is no pushover. I hope I can compete again in the Philippines and put on a great show for the fans,” sambit ni Min, miyebro ng Extreme Combat /Top Gym.

Sa co-main event, nawala ang ingay ng crowd nang maunahan ni Kim si Domingo at masukol para sa malaking panalo may 72 segundo ang nakalipas sa unang round.

Nanaig naman si Norman “Gunman” Agcopra of Elorde Metacore kontra Genil Francisco ng D’Elements Gym.

Sa supporting bout, nagbunyi ang crowd sa panalo ni Kevin Guevarra ng Hitman MMA laban kay “Big” John William Tirona ng Gym Core. Lutang ang bentahe at galing ni Guevarra sa striking.

“Happy kami sa suporta ng crowd. We already talked to several promoters and hopefully makabuo tayo ng mas malaking fight card,” pahayag ni dating MMA champion at organizer Burn Soriano.

“We already talked with the Australian promoters and MMA community in Japan, so we can came out with a much better fight,” pahayag ni Lawrence Canavan ng Cage Gladiator.

Sa iba pang resulta, nagwagi si bantamweightNorman Agcopra kontra Francisco by Unanimous Decision (UD) sa three rounds; nanaig si Kevin Guevarra kontra John William Tirona via TKO (Retirement) sa round 2; Binanatan ni Ian Jay Batoto si Ezekiel Cerbito via Submission (Rear-Naked Choke) sa round 1; nakuha ni featherweight Alexander Aballe defeats Jayco Madrona by Submission (Guillotine Choke) sa round 2;

Pinataob ni lightweight Christchan Buentiempo si Rod Santos via TKO (Strikes) sa First round; nangibabaw si flyweight Edrion Macatangay kay Luke Quinlan Cruz via TKO (Strikes) may 1:34 minuto sa unang round; nanaig si bantamweight Mark Postrano laban kay Cesar Paragas via Unanimous Decision matapos ang tatlong round.

-Edwin Rollon