Patay ang isang ina at anak na babae matapos silang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Purok 1, Barangay Libas, Roxas City, Capiz, nitong Martes ng hapon.

SUNOG

Kinilala ng mga awtoridad ang mag-inang sina Josefa Progio at Charlotte, isang Grade 6.

Ginagamot naman sa ospital ang dalawa sa tatlong miyembro ng pamilya na si Joy Faith, 13; Noemi Grace, 12; at alyas “Toto”, 7, dahil sa mga lapnos sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Naiulat na wala umano sa bahay ang padre de pamilya na si Melvin Santos nang maganap ang insidente.

Ipinahayag ng bunsong anak ng mag-asawa na si Toto, ginising sila ng kanilang ina at agad silang dinala sa banyo kung saan isa-isa silang pinadaan sa binata.

Aniya, hindi nito akalain na hindi na makalalabas ng bahay ang ina at kapatid nito.

Magkayakap pa ang mag-ina nang matagpuan ng mga awtoridad ang kanilang bangkay.

Ayon naman sa Bureau of Fire Protection (BFP), posibleng hindi nakayanan ng mag-ina ang kapal ng usok na nagresulta ng pagkasawi ng mga ito.

Hindi pa madetermina ng imbestigador ang halaga ng ari-ariang natupok sa sunog.

Iniimbestigahan pa ang insidente upang madetermina ang sanhi nito.

-Fer Taboy