Makatatanggap ng P30 dagdag-sahod ang mga sumusuweldo nang minimum sa Region 1.

Ito ang kinumpirma ni Department of Labor and Employment (DoLE)-Region 1 Director Nathaniel Lacambra, chairman ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB).

Epektibo, aniya, ang nasabing taas-suweldo sa Abril 30.

Ilalathala muna sa local newspaper ang kautusan sa usapin sa Abril 15 bago ito ipatupad.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Based on the new wage order approved by RTWPB, wages in various sectors are now in the following rates; P30 per day for workers receiving P310 daily in establishments employing 30 or more workers; P25 per day for workers receiving P285 daily in establishments employing 10 to 29 workers; P17 per day for workers receiving P265 daily in establishments employing less than 10 workers; P17 per day for workers receiving P256 daily in establishments employing less than 10 workers upon effectivity of the order,” aniya.

Ipatutupad din aniya ang dagdag na P9 kada araw pagkatapos ng anim na buwan ng pagpapatupad ng kautusan.

Erwin Beleo