MAGMULA nang mabalitang may “something” between Vice Ganda and Ion Perez, maraming netizens na ang kinikilig sa dalawa tuwing napapanood sila sa It’s Showtime.

Ion at Vice copy

Last April 11, muling pinakilig nina Vice Ganda at “Kuya Escort” Ion ang madlang people nang mag-asaran sila muli sa It’s Showtime with Ate Girl, Jackque Gonzaga.

Sa segment na “Kapare-Who”, nagtanong si Vice ng mga gagawin nila sa iba’t ibang sitwasyon para sila’y maging masaya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sinabi ni Ion kay Vice: “Okay lang ako masaktan, maging masaya ka lang. Doon ko ipaparamdam sa taong mahal ko na sobrang importante siya sa akin.”

Sumingit si Vhong Navarro at nagtanong kung ano ang mga bagay na handang isakripisyo ni Ion para kay Vice.“Isa-sacrifice ko ang lahat tulad ng masaktan man ako nang paulit-ulit para maging masaya ka,” sagot ni Ion, na idinirekta kay Vice ang mensahe.

Tinanong siya ni Vice kung “naglolokohan” lang sila.

“Never ako nakipagbiruan sa ‘yo. Sa ngiti lang ‘yun, pero ‘yung nararamdaman ko sa ‘yo, seryoso,” sagot ni Ion kay Vice.

Kinilig naman ang madlang people, at hindi rin naman nagpahuli si Jackque sa mga banat nila.

Kamakailan ay naging trending topic sa social media na may ugnayan sina Vice at Ion, bagamat hanggang ngayon ay hindi ito kinukumpirma ng dalawa

-ADOR V. SALUTA