Dalawa ang patay at walo ang nasugatan sa karambola ng pitong sasakyan sa Taguig City, ngayong Sabado.

Kinilala ang mga nasawi na sina Danilo Pedrosa, Jr.; at Gerald Iann Hernandez, fire officer.

Sugatan naman sina Ronald Ortega Villanueva, rider; Jaime Ocfemia Berosil, Jr., bike rider; Rogelio Salinas Fernandez; Aldren Ano Sepe, jeepney driver; Christopher Aquino Dalangin, jeepney driver; Christel Castro Layosa, backrider; Cecile Marie Verin Moreno, nagsu-zumba sa lugar; at Francis Varona Larita, police officer ng SAF, na driver ng kotse.

Nasa kustodiya ng Taguig City Police ang driver ng truck na si Roman Rafanan Mariñas, 29, tubong San Jacinto, Pangasinan at nakatira sa Burak, Pampanga, kasama ang dalawang pahinante na sina Ronny Rafanan Mariñas, 19, ng San Jacinto, Pangasinan; at Julius M. Vallinan, 31, ng San Vicente, Pangasinan.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa inisyal na ulat ni Lt. col. Jenny Tecson, tagapagsalita ng Southern Police District (SPD), naganap ang aksidente sa C-6 sa tapat ng Lakeshore, Taguig City, bandang 6:20 ng umaga.

Sa report, kabilang sa sangkot sa karambola ang isang 10-wheeler truck, dalawang pampasaherong jeep, isang motorsiklo, isang kotse at dalawang bisikleta.

Nabatid na patungong Rizal southbound ang truck, na minamaneho ni Roman, at pagsapit sa nasabing lugar ay bigla umanong nawalan ng preno kaya nabangga nito ang isang jeep hanggang sa magkarambola ang pitong na sasakyan, na agad ikinasawi nina Pedrosa at Hernandez.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Traffic Investigation Unit.

Bella Gamotea