BUKOD sa mayuming bench, maidadagdag sa atraksiyon ng Dakak ang bagong golf club na pormal na bubuksan sa pamosong bench resorts.

IBINIDA nina (mula sa kaliwa) John Cope, Senior Designer; Rick Gibson, President Dakak Golf Club;  Cesar Jalosjos, Chairman at Mark Gaston, Club Manager, ang pinakabagong golf course – Dakak Golf Club – na kagigiliwan ng turista at professional golfer sa pamosong Dakak Beach Resorts sa isinagawang media conference kahapon sa Manila Hotel.

Pormal na ipapahayag ang kaganapan sa Dakak Golf Club sa gaganaping media conference ngayon sa Manila Hotel sa pangunguna nina Dakak Golf Chairman Cesar Jalosjos at Dakak Golf President Rick Gibson.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

 “We are very pleased with the results of the development,” pahayag ni Jalosjos. “It will be an unforgettable experience to play there.

Itinayo ang golf course kalapit ng bench resorts sa kabuuang 50 ektarta. May kabuuang 6,500 pard ang Par 72 layout.

 “Most of what you will see is unheard-of in golf,” sambit ni Gibson, dating Asian Tour champion. “To begin with, there is a record 1.9 miles of ocean in play, beating the record 1.6 miles of Pebble Beach.”

Bukas na na nalalaruan ang front nine ng Greg Norman-designed course at inaasahang makukumpleto ang course sa Nobyembre.

May tatlong par 3’s, tatlong par 4’s at tatlong 5’s ang bawat nine holes ng course at bawat isa ay tiyak na mapaghamon sa mga players. Ang pitong unang holes ay nakaharap sa Sulu Sea at matatanaw ang kabuuan ng Dakak beach resorts.