NAIKUWENTO sa Twitter ng isang fan ni Alden Richards na sobrang pinagkaguluhan ang aktor sa Hong Kong airport—kaya naman napagkamalan itong presidente ng bansa ng isang pulis doon.

Alden copy

Tweet ni @GeronimoCathy: “Maraming mga fans sa airport ang gustong lumapit kay Alden Richards nang dumating ito sa Hong Kong para sa shooting nila ni Kathryn Bernardo ng movie nila sa Star Cinema. Kaso nagsu-shoot na sila kaya hindi sila pinayagang makalapit.

“Si Alden kumaway at nag-flying kiss sa mga fans kaya nagtilian sila. Nataranta ang mga airport police sa kaguluhan. Nang tumahimik na ang mga fans, may isang pulis na nagtanong: ‘Is that your President?’ Nagtawanan muli ang mga fans.”

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Comment ng mga fans sa nasabing post: “Nag-level up na si Alden, nakilala siyang Pambansang Bae, tapos sa kalyeserye, tinawag siyang Gov dahil kapag naka-uniform siyang isang bodyguard, mukha raw siyang Governor. Kaya hanggang ngayon ang tawag sa kanya si Gov. Ngayon president na pala siya. Na-curious ang pulis, pang-president na pala ang dating ni Alden.”

Anyways, maraming behind the scenes na naipo-post ang fans nina Alden at Kathryn, like iyong magkakasama sina Lovely Abella, Cacai Bautista at Maymay Entrata. Kasama ni Alden si Lovely sa Sunday PinaSaya, habang si Cacai ay dati nang nakasama ng aktoer sa first movie nila ni Alden na Imagine You & Me shot in Italy.

First time namang nagkatrabaho sina Alden at Maymay, na isang Kapamilya.

Reportedly, mahigpit daw si Direk Cathy Garcia-Molina, na dapat lang naman para maayos silang makapagtrabaho. Tiyak na sumusunod din lamang sila sa mga rules and regulations na ibinigay sa kanila ng Hong Kong government tungkol sa shooting.

Sa ngayon ay iyon pa lang ang mga artista na kumpirmadong nasa cast ng Hello, Love, Goodbye, ng ABS-CBN Productions for Star Cinema. Wala pa rin silang ibinibigay na exact playdate ng movie na hinihintay na ng mga fans nina Alden at Kathryn

-NORA V. CALDERON