Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

12 p.m. - Petron-Letran vs UST

2 p.m. - SMDC-NU vs Metropac-San Beda

4 p.m. - Chadao-FEU vs Perpetual

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

DINUROG ng Valencia City Bukidnon-San Sebastian College ang Wangs Basketball, 96-64, kahapon sa 2019 PBA D-League sa JCSGO Gym sa Cubao.

Sinimulan ng Golden Harvest ang laro sa pamamagitan ng 18-0 run sa pamumuno nina Allyn Bulanadi at RK Ilagan na napaabot nila hanggang 33 puntos sa iskor na 60-27 sa halftime.

Nagposte si Bulanadi ng 28 puntos, 7 rebounds, at 2 steals, habang tumapos naman si Ilagan na may 13 puntos.

“Ang importante ngayon, the boys executed our game plan and ang ganda ng depensa namin,” ani coach Egay Macaraya matapos nilang malimitahan ang Couriers sa 35-percent shooting clip.

Dahil sa panalo, pumatas ang Valencia-SSCR sa ikalawang puwesto sa Metropac-San Beda sa Foundation Group matapos umangat sa 4-1.

Nanguna naman si Ronan Santos para sa Wangs (3-2) sa itinala nitong 15 puntos at 8 rebounds.

Samantala, nakabawi ang Cignal-Ateneo sa malamyang simula para maitarak ang 88-66 panalo sa matikas na St. Clare College Virtual Reality.

Nanguna si Ange Kouame sa Blue Eagles sa naiskor na 24 puntos at 29 rebounds.

“(Our halftime talk was) direct to the point, that we weren’t doing what we said we’ll do before the game,” sambit ni coach Tab Baldwin. “We didn’t really make any adjustments and we just went back to basics, play like they wanted to win the game and played like any good team.”

Nakamit ng Blue Eagles ang ikatlong sunod na panalo para sa No.2 spot sa Aspirants Group tangan ang 5-1 card.

Natamo ng St. Clare ang unang kabiguan matapos ang 4-0 simula.

-Marivic Awitan

Iskor:

CIGNAL-ATENEO (88) -- Kouame 24, Go 11, Ravena 10, Wong 10, Verano 8, Ma. Nieto 6, Mi. Nieto 5, Navarro 4, Tio 3, Belangel 3, Credo 2, Daves 2, Andrade 0, Mamuyac 0, Berjay 0.

  1. CLARE (66) -- Lunor 12, Santos 12, Hallare 11, Fontanilla 10, Pare 9, Rivera 8, Palencia 4, Ambuludto 0, Fuentes 0, Manacho 0, De Leon 0.

Quarters: 16-16, 28-44, 65-55, 88-66.

VALENCIA-SSCR (96) -- Bulanadi 28, Villapando 15, Ilagan 13, Calma 10, Bonleon 6, Are 6, Sumoda 5, Desoyo 4, Dela Cruz 4, Capobres 3, Calahat 2, Tero 0, Loristo 0, Quiambao 0.

WANGS (64) -- Santos 15, Tongco 12, Inigo 10, Estrella 7, De Mesa 6, Vito 4, Tolentino 2, Lim 2, Gerero 2, Brojan 2, Lucas 2, Wong 0, Bulawan 0, Singontiko 0.

Quarters: 29-7, 60-27, 81-52, 96-64.