LOS ANGELES (AP) — Sinopresa ni Magic Johnson ang basketball fans nang ipahayag ang pagbibitiw bilang president ng basketball o p e r a t i o n s n g Los Angeles Lakers nitong Martes (Miyerkoles sa Manila).

Aniya, tinatapos niya ang dalawang taong serbisyo upang magbalik sa simpleng pamumuhay na tinamasa niya may dalawang taon na ang nakalilipas.

Hindi ipinaalam ni Johnson ang naturang desisyon kina Lakers owner Jeanie Buss at maging kay general manager Rob Pelinka nang humarap siya sa media interview at ipahayag ang desisyon. Natamo ng Lakers ang masaklap na kampanya sa ikaanim na sunod na season.

Hindi di rekat ang binanggit ni Johnson na may kinalaman sa kanyang pagbibitiw ang pagiging malapit ni coach Luke Walton sa pamilya ni Buss, ngunit iginiit niya na nais niyang iwasan na magkaroon ng alitan sa pagitang nila.

Iginiit ni Johnson na pagod na siya sa mga multang ipinataw sa kanya bunsod ng isyu sa tampering.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

WARRIORS 112, PELICANS 103

S a New Orleans, kumamada si DeMarcus Cousins ng 21 puntos at 12 rebounds, habang nagtamo ng ‘mild foot sprain’ si Stephen Curry sa impresibong panalo kontra Pelicans.

Hindi na pinabalik sa laro si Curry matapos ang siyam na minuto bilang pag-iingat. Nakamit ng Golden State ang top s e eding s a We s t e r n Conference. Hindi rin nakalaro si Kevin Durant dahil sa iniindang lagnat, habang ipinahinga si Klay Thompson.

Mi s tul ang hul ing laro na ang tagpo para kay New Orleans star Anthony Davis. Hindi naglaro sa ikapitong s u n o d a n g Al l - S t a r forwared bunsod ng ‘back spasms’, ngunit tumaas ang kilas ng marami sa kanyang T-shirt na may nakalimbag na “That’s All Folks”.

Nag-ambag si Damion Lee, lumagda ng two-way contract sa Golden State matapos ang dalawang season na pamamalagi sa G-League sa naiskor na 20 puntos, habang kumana si dating Pelican Quinn Cook na may 19 puntps.

Nanguna sa Pelicans si Christian Wood na ma y 2 6 p u n t o s , 1 2 rebounds. Nakibahagi rin si Jahlil Okafor na may 30 puntos.

THUNDER 112, ROCKETS 111

Sa Oklahoma City, naisalpak ni Paul George a n g g ame -wi n n i n g 3-pointer sa huling 1.8 segundo laban Houston Rockets.

Ha t aw s i Rus s e l l Westbrook na may 29 puntos, 12 rebounds at 10 assists para sa ika-33 triple-double ngayong season, habang tumiap si George ng 27 puntos para kumpletuhin ang paghahabol ng Thunder mula sa 14 puntos sa fourth period para sa ikaapat na sunod na panalo.

Ra t s ada s i J ame s Harden sa Rockets na may 39 puntos, habang kumana si Chris Paul ng 24 puntos.

Sa iba pang laro, naitala ni Dirk Nowitzki a n g s e a s o n - h i g h 3 0 puntos bago pormal n a i p i n a h a y a g a n g pagreret i ro laban s a Phoenix Suns, 120-109; tinalo ng New York and Chicago, 96-86; ginapi ng Portland ang Los Angeles Lakers, 104-101; pinataob ng Utah Jazz ang Denver Nuggets.