GUSTO naming isiping desperada na ang kalaban ni Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun sa pagka-bise gobernador, dahil idinadamay na nito ang girlfriend ng alkalde na si Aiko Melendez, at kung anu-ano na lang ang itinataguri nito sa aktres.

Aiko copy

Kung dati ay ikinalat na may nakakahawang skin disease si Aiko para hindi lapitan at yakapin ng mga taga-Zambales habang nangangampanya—pero kabaligtaran ang nangyari dahil mas dinumog pa ng yakap ang aktres sa campaign sorties—ang latest ay tinawag daw nitong kabit si Aiko.

Tinawag daw nito si Aiko na “Jade”, batay sa seryeng Halik nina Sam Milby, Yam Concepcion, Yen Santos at Jericho Rosales. Sa serye, si Jade ay si Yam, na kabit ng karakter ni Sam.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Naging si Jade na si Aiko, ha, ha, ha!

Anyway, hindi pa rin apektado ang mga taga-Zambales, dahil mas lalo nilang kinapitan sina Aiko at Mayor Jay, kaya naman abut-abot ang pasasalamat ng dalawa sa kanilang mga tagasuporta.

Bandang 2:00 am nitong Martes nang mag-post si Aiko sa kanyang Facebook page.

“Iniisa-isa ko lahat ng mga mensahe n’yo di ko man kayo masagot lahat, but I really appreciate the love, concern. Ang dami-dami pala nagmamahal sa akin. I must have done something good to be this love.

“I know I can’t please everyone, and I also know that I am not perfect. I myself have my own shares of imperfections. But I can say I have a good heart. Especially for the people who values me.

“I exert effort too in any kind of relationship. Whether be it friendship or kahit ano. Mababaw na tao lang din ako, kaso masama magalit, pero ‘di masama ugali ko. Kaya nakaka-hurt when people judge you as if they know you too well.

“ Pati ‘yung mga tao kung makabato ng putik parang napakasama ko na tao. Me isang tao sabi masama daw ugali ko, s’yempre nasaktan ako sobra. Pero pag ‘yung mga tao na mismo na kahit di ko kilala o nakilala ko briefly ang nakikipaglaban para sa akin, gusto ko maluha sa tuwa kasi buti pa sila na-appreciate ako.

“Subukan din n’yo ako kilalanin nang mas malalim, masarap ako magmahal. Selfless sometimes to a fault but no regrets, basta mapasaya ko lang mga tao.

“Sana lang pagkatapos ng lahat ng ‘to mapatunayan ko sa sarili ko, at sa mga tao na tama ang mga naging decision ko. Goodnight!

“Salamat din sa mga kaibigan ko, ‘di ko na kayo iisa-isahin, kilala n’yo kung sino kayo, kasi halos araw-araw ‘di mo pinagsasawaan i-check kung okay ako. You know who you are. Thank you!”

-REGGEE BONOAN