CLARK, Pampanga -- Tinanghal na kampeon si 2013 Southeast Asian Games gold medalist Mark John Lexer Galedo sa inilargang 7-Eleven Tour 2019 nitong weekend sa Clark Global City.

RATSADA ang mga siklistang nakibahagi sa inilargang 7-Eleven Tour 2019 nitong weekend sa Clark Global City. (RIO DELUVIO)

RATSADA ang mga siklistang nakibahagi sa inilargang 7-Eleven Tour 2019 nitong weekend sa Clark Global City. (RIO DELUVIO)

Natawid ni Galedo, miyembro ng 7-Eleven cycling team, ang finish line sa 106km race sa tyempong 2:29.48. Binagtas ng mga siklista ang kahabaan ng mga kalsada ng Clark, patungong Subic Zambales, papuntang Tarlac Expressway pabalik sa dating kampo ng US Military base.

“Masaya ako kasi nakalusot ulit,” pahayag ng 33-anyos na si Galedo. “Nakaka-drain lang kasi masyadong mainit pero, okay naman po, nakaalpas kami,” aniya.

Bumuntot kay Galedo ang dalawa niyang protégée na sina Michael Jan Ferre at Rench Michael Bondoc na kapuwa tumapos na 2:29.53 para makumpleto ng 7-Eleven ang podium finish.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

“Nakakatuwa kasi pursigido po silang dalawa (Ferre at Bondoc) na manalo, kaya nagulat din ako noong pag break away namin, tapos noong malapit na sa finish nakabuntot na silang dalawa sa akin, tapos hindi naman ganoon kalayo ang agwat namin,” ayon kay Galedo na siya ring tumatayong coach ngayon ng dalawang nabangggit na mga batang siklista.

Mahigit sa 3,000 cycling enthusiasts, kasama ang mga pro cyclists, ang lumahok sa nasabing event na inorganisa 7-Eleven, na nag-umpisa noong 2012.

Bagama’t pitong taon na nahinto, naging kapana-panabik naman ang pagbabalik ng nasabing karera, kung saan mismong ang CEO at Presidente ng Philippine Seven Corporation na si Jose Victor Paterno ay nakilahok din sa mga siklista sa kanyang pagpadyak sa 106 km.

“It’s my passion. I really love cycling. It keeps me going. And I’ve been doing this since 1993,” ayon sa CEO at president ng kilalang convenient store sa bansa.

Plano ni Paterno na gawin na taun-taon ang nasabing event matapos ang tagumpay ng muli nitong pagbabalik ngayong taon.

“We are heartened by the outcome of Tour 2019,” pahayag ni Paterno. “Yes we are planning to make this annually, as long sa SCTEX is okay and available. We stopped this for a while because of the rehabilitation of SCTEX. So I think this is going to be annually now,” aniya.

“This is a testament to the vibrant cycling community here in the Philippines, one we have proudly supported over the years. We believe that events such as the 7-Eleven Tour 2019 contribute greatly to the training of professional cyclists and the discovery of young and up and coming athletes that can hopefully bring greater pride to our country. Aside from this, the event is the perfect opportunity for recreational cyclists to have an enjoyable ride while taking in the sights of Central Luzon,” pahayag ni Paterno.

Samantala, nakatanggap ng P20,000 ang top cyclist na si Galedo, habang P10,000 sa second placer at P5,000 sa ikatlong puwesto.

Nilahukan ng mga siklistang may edad na 16-anyos hanggang 71-anyos ang nasabing event sa dalawang magkahiwalay na kategorya, na 106km at 48KM kung saan umikot sa Florida, Pampanga ang mga lumahok sa 48km at sa Tipo, Zambaless naman umikot ang mga lumahok sa 106km.

-ANNIE ABAD